in

Regularization. Paano patutunayan ang pagkakaroon ng tirahan?

Magandang umaga po, ako po ay tinawagan ng Sportello Unico upang pirmahan ng residence contract (contratto di soggiorno) at hindi ko po alam kung ano ang mga dokumentasyon na dapat dalhin upang mapatunayan ang pagkakaroon ng tirahan.

Roma – Peb 1, 2013 – Sa batas ay nasasaad na sa pagpirma ng residence contract o contratto di soggiorno, ay papatunayan ng employer ang pagkakaroon ng angkop na tirahan ng kanyang worker, ayon sa Decreto del Ministero della Salute del 5 luglio 1975 (art. 5bis, comma 1, lett. a del d.lgs. 286/98 e art. 8bis, comma 1 del D.P.R. 394/99).

Ayon sa dekreto, nakalaan sa bawat nakatira ang hindi bababa sa 14 sqm para sa unang apat na nakatira sa tahanan, habang 10 sqm naman para sa bawat susunod; ang mga silid tulugan ay dapat na nagtataglay ng laking hindi bababa sa 9 sqm , kung para sa isang tao lamang at 14 sqm naman kung para sa 2 at ang bawat tirahan ay nagtataglay ng salas na may sukat na 14 sqm (art. 2, comm. 1,2,3 del D.M. 5 luglio 1975).

Upang mapatunayan ang pagkakaroon ng angkop na tirahan tulad ng ayon sa batas, ang public administration ay humihingi ng certificato di idoneità alloggiativa ng tahanan, isa uri ng dokumento na batay sa circular ng Ministry of Interior n° 3462/2012 ay hindi maaaring gamitan ng self certification o autocertificazione at maaari lamang ipagkaloob ng Uffici Tecnici ng Munisipyo. Ang ilang Sportello Unico, gayunpaman, ay tinatanggap maging ang sertipiko buhat sa ASL, kung kaya’t ipinapayo na alamin sa Sportello Unico na sumasakop sa tirahan.

Ang application ay maaaring isumite ng may-ari ng bahay o ang naka-pangalan sa kontrata ng upa o ng isang authorized person. Kinakailangang ilakip sa application ang kopya ng dokumento ng aplikante o ng authorized person, lakip ang kopya ng permit to stay, ang floor plan ng bahay at kopya ng rehistradong kontrata sa upa o ang kopya ng pagiging may-ari ng tirahan o ownership. Nag-iiba ang mga requirements sa bawat Munisipyong kinasasakupan kung kaya’t ipinapayo ang alamin ang lahat ng dokumentong kinakailangan para sa aplikasyon.

May ilang pagkakataon, ukol sa accommodation ng dayuhan, ang magpapatunay ng pagkakaroon ng tirahan, sa Sportello Unico sa oras ng pagpirma ng residence permit, ngunit ang certificato d’idoneità alloggiativa buhat sa tanggapan ng Uffici Tecnici ay hinihingi palagi bilang dokumentasyon ukol sa accomodation ng dayuhan.

Kung ang dayuhang manggagawa ay ipinahayag bilang kapisan sa tirahan (live-in) ay kailangang ipakita rin ang dichiarazione di ospitalitào ang cessione di fabbricato o atto di proprietà o ang contratto di locazione.Kung sa dayuhan nakapangalan ang kontrato sa upa, ito ay dapat rehistrado at sa araw ng appointment sa Sportello Unico ay kailangang dalhin ang orihinal at kopya. Kung ang dayuhan naman ay hino-host ng isang third party, ay kailangang dalhin ang cessione di fabbricato o ang dichiarazione di ospitalità na pinirmahan ng host at kopya ng kanyang dokumento at ng permit to stay.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Programa ng Pdl at lega Nord sa mga imigrante, pagtugis sa mga undocumented lang

Dalagang Pinay, tumalon mula sa first floor