in

Remittances ng mga ofws, exempted ba sa Anti-Money Laundering Law?

Rome, Mayo 8, 2012 – Ang pagpapadala ng malaking pera galing sa abroad mula sa sweldo o bonus o ipon papunta sa Pilipinas ay exempted sa Anti-Money Laundering Law.

altIto ay isang krimen kung saan ang pera o money na galing sa krimen o graft and corruption o drugs o anumang gawaing illegal ay pinapadaan sa mga bangko at iba pang financial institution upang ito ay linisin at gamitin sa mga legal na negosyo o pinalalabas na ito ay galing sa isang malinis na negosyo o paraan.

Ang Republic Act No. 9160 otherwise known as Anti Money Laundering Act of 2001 ay pinaparusahan ang nasabing krimen na “money laundering”. Nasa RA9160 na ang covered transaction ay “single, series, or combination of transactions involving a total amount in excess of Four Million Philippine pesos (PhP4,000,000.00) or an equivalent amount in foreign currency based on the prevailing exchange rate within five (5) consecutive banking days”.

Pero exempted dito ang mga malalaking sweldo o bonus na ipinapadala sa Pilipinas ng mga ofws o mga naiipon nila na pambayad o pambili ng lupa, kotse o negosyo man. Kailangan lamang na mayron silang proper identification at ang pera ay tama lang sa kakayahan ng tao o sa negosyo man, o mayroong legal na dahilan o mayroong trade obligation, purpose, origin or economic justification. (Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)

PAALALA: Sa kasalukuyan ang maximum amount na maaaring ipadala ng isang ofw mula sa Italya ay 999,99 euros lamang sa loob ng pitong araw sa pamamagitan ng mga money transfer centers. Ito ay ayon sa Art. 12 ng Decreto Salva Italia.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Hanggad ko ang citizenship ng mga dayuhang ipinangank sa Italya” – Riccardi

Europe migrants join forces to fight for migrant and refugee rights