in

Renewal ng permesso di soggiorno per motivi familiari, anu-ano ang mga dokumentong kailangan?

Ang permesso di soggiorno per motivi familiari ay ang uri ng permesso di soggiorno na ibinibigay sa mga sumusunod na kundisyon: 

  • miyembro ng pamilya na dumating sa Italya sa pamamagitan ng entry visa for family purposes, salamat sa ricongiungimento familiare,
  • Ito ay ibinibigay din sa dayuhang nag-aplay ng coesione familiare

Ang permesso di soggiorno per motivi familiari ay may parehong validity ng permesso di soggiorno ng miyembro ng pamilya na binigyan ng nulla osta para ricongiungimento familiare. Ito ay renewable kasama ng huling nabanggit. 

Ang ganitong uri ng permesso di soggiorno ay nagpapahintulot sa access sa iba’t ibang serbisyo, pagpapatala sa isang kurso, pagta-trabaho, pagsisimula ng business at maaari ring mai-convert sa permesso di soggiorno per motivi di lavoro kung mayroong sapat na requiremenst para sa issuance nito.

Ang mga mas bata sa 14 anyos, mula noong 23 July 2016, sa pamamagitan ng Batas 122 ay hindi na kasama sa permesso di soggiorno ng magulang.  Nasasaad ang pagkakaroon ng sariling permesso di soggiorno ng mga menor, kahit mas bata sa 14 anyos. 

Sa renewal ng permesso di soggiorno per motivi familiari ay kailangang ilakip ang mga sumusunod na dokumento: 

  • Kopya ng permesso di soggiorno, pasaporte at carta d’identità ng magulang o ng miyembro ng pamilya na bumubuhay o tumutugon sa ikabubuhay (pagkain at pangangailangang pinansyal) ng aplikante;
  • Kopya ng huling Certificazione Unica, kopya ng 3 huling pirmadong buste paga at deklarasyon mula sa employer ng miyembro di pamilya na bumubuhay  o tumutugon sa ikabubuhay sa aplikante,
  • Para sa mga colf. kopya ng huling 4 na bollettini MAV ng pinagbayarang kontribusyon, kung saan makikita ang petsa ng pagbabayad sa posta o sa bangko at deklarasyon mula sa employer ng miyembro di pamilya na bumubuhay  o tumutugon sa ikabubuhay sa aplikante,
  • Orihinal na deklarasyon ng miyembro ng pamilya kung saan idinedeklara nito ang pagtugon sa ikabubuhay ng aplikante. 

Bukod sa mga nabanggit ay kakailanganin din ang mga sumusunod na dokumento ng aplikante:

  • Kopya ng permesso di soggiorno na ire-renew, harap at likod;
  • Kopya ng pasaporte, pahina kung saan narooon ang mga personal na datos ng dayuhan at ng dokumento;
  • Kopya ng carta d’identità at kopya ng tessera sanitaria;
  • Stato di famiglia at certificato di residenza mula sa Comune o Autocertificazione. 
  • Marca da bollo na nagkakahalaga ng € 16,00

Matapos makalap ang mga dokumento na kinakailangan, sagutan ang kit postale, ang modulo 1, gamit ang black ballpen at printed hand writing. Sundin ang proseso na nasasaad sa portaleimmigrazione.it.

Maaari ring gawin ang renewal ng nabanggit na dokumento sa pamamagitan ng mga authorized offices tulad ng mga patronati.

Anak na 18 anyos, iisyuhan pa ba ng permesso di soggiorno per motivi di famiglia?

Sa pagsapit ng 18 anyos ng anak at nananatiling carried o ‘a carico’ ng magulang, sa pagkakaroon ng sapat na requirements, ay maaari pa ring bigyan ng permesso di soggiorno per motivi familiari ang anak. Ang validity ng dokumento ay katulad ng validity ng dokumento ng magulang. Ito ay dahil obligasyon ng magulang ang buhayin ang anak hanggang ito ay magkaroon ng trabaho at sapat na mapagkukunang pinansyal para sa sarili. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang kulay ng mga Rehiyon ng Italya simula March 22

Buoni Spesa 2021, nagbabalik!