in

Renewal ng permesso di soggiorno, tatanggihan ba dahil sa hatol laban sa dayuhan? 

Ayon sa CONSULTA (o Consultative body) ang request ng renewal ng permesso di soggiorno para sa trabaho ay hindi maaaring awtomatikong ma-reject o tanggihan sakaling nahatulan ang mga dayuhan ng maliliit na krimen. 

Ayon pa sa Consulta, ang desisyon sa renewal ay nakasalalay sa Questore, na syang susuri sa pagiging mapanganib sa lipunan ng aplikante bago tuluyang tanggihan ang releasing ng permesso di soggiorno.  

Sa katunayan, ang Constitutional Court ay nagdeklara ng constitutional illegitimacy ng mga artikulo 4 talata 3 at artikulo 5 talata 5 ng  legislative decree 286 ng 1998 (Testo Unico Stranieri) sa bahagi kung saan nasasaad na awtomatikong hahadlangan ang renewal ng permesso di soggiorno per lavoro KUNG hindi pa nasusuri ang pagiging mapanganib sa lipunan ng dayuhan ng mga karampatang awtoridad.

Ito ay matapos magsulong ng apela ang ilang dayuhan laban sa dalawang hatol na inilabas ukol sa naging pagtanggi sa renewal ng permesso di soggiorno dahil sa ilang krimen. 

Para sa maliliit na uri ng krimen – sa unang kaso ang illegal possession ng 19 gramo at iligal na pagbebenta ng 1.5 gramo ng hashish at sa ikalawa ay ang pagbebenta ng mga pekeng produkto – ang awtomatikong pagtanggi sa renewal ay hindi makatwiran dahil sa mga sumusunod:

  • Ang proseso ng Regularizazion o Emersione ng mga dayuhan na hinatulan ng mga nabanggit na maliliit na krimen ay hindi ‘excluded’ sa proseso ng pagbibigay ng permesso di soggiorno bagkus ay napapasailalim muna sa pagsusuri kung mapanganib ba o hindi ang dayuhan sa bansa. 
  • Ang authomatic refusal para sa mga dayuhang regular sa bansa na dumaan na sa proseso ng social inclusion at integration ay salungat sa prinsipyo ng proporsyonalidad.

Samakatwid, ayon pa sa obserbasyon ng Korte, maaaring mangyari na ang hatol na tumutukoy sa taong nagkasala, sa mga kasong nabanggit, ay hindi maituturing na mapanganib dahil sa iba’t ibang dahilan:

  • ang pagiging hindi mabigat ng mga pangyayari, 
  • ang lumipas na panahon mula ng ito ay maganap, 
  • ang antas ng social inclusion at integration. 

Samakatwid, sa pagsusuri sa aplikasyon ng renewal ng permesso di soggiorno ay isasaalang-alang din ng administratibong awtoridad ang mga nabanggit, upang maiwasan na ang hatol ay makapinsala sa mga karapatang binanggit sa artikulo 8 European Court of Human Rights o (ECHR).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Renewal ng mga Permesso di Soggiorno Lavoro Subordinato 2023

Dichiarazione dei Redditi 2023, paano at kailan dapat gawin ng mga colf at caregivers?