in

Renewal ng permesso per lavoro subordinato, anu-ano ang mga kailangang dokumento buhat sa employer?

Ako ay isang colf at mayroong bagong employer. Anu-ano ang mga dokumento buhat sa aking employer ang dapat na i-prisinta sa renewal ng permit to stay per lavoro subordinato?

 

Upang ma-renew ang permesso di soggiorno per motivo di lavoro subordinato, ay kailangang mapatunayan ng mga dayuhang manggagawa ang pagiging regular sa trabaho sa pamamagitan ng “Denuncia di rapporto di lavoro”, na ipinadala ng employer sa Inps. Ang employer ay may obligasyong magbigay ng kopya ng nabanggit na dokumento sa kanyang worker. 

Kung sa panahon ng renewal ng permit to stay, ang worker ay nagpalit ng employer o trabaho, ay kakailanganin ang ‘denuncia di rapporto di lavoro’ na ginawa ng bagong employer at hindi ng nakaraang employer. 

Sa kasong ang worker ay wala pang trabaho sa renewal ng permit to stay, upang makapagpatala sa Centro per l’Impiego at upang makapag-aplay ng renewal ng permit to stay ay kailangan hingin sa pinakahuling employer ang sumusunod:

  • kopya ng mga bayad na bollettini hanggang sa huling araw ng ipinag-trabaho ng worker;
  • kopya ng ‘cessazione del rapporto di lavoro‘ na ginagawa sa tanggapan ng Inps.

Obligasyon ng dating employer ang magbigay ng kopya ng mga nabanggit na dokumento sa worker. 

Ipinapaalala, gayunpaman, na ang mga dayuhang nagsumite ng renewal ng permit to stay ay maaaring regular na ma-empleyo habang naghihintay na releasing ng permit to stay kung nagtataglay ng tinatawag na ‘cedolino’ na nagpapatunay ng pagsusumite ng kit postale o ng renewal ng dokumento. 

Bukod dito, ipinapa-alala na ang wastong panahon sa pagre-renew ng nasabing dokumento ay 60 araw bago ang expiration nito o 60 araw matapos ang expiration nito. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

I-Dole card, inilunsad ni Secretary Bello sa Milan

Handog Saya at Feeding Program, hatid sa 120 mga bata