in

Renewal ng permit to stay, ipagkakait ba sa dayuhan kung nag-renew makalipas ang 60 araw ng expiration nito?

Maaari bang patawan ng expulsion ang dayuhang hindi nag-renew ng permit to stay batay sa panahong hinihingi ng batas? 

Ayon sa Immigration Act o Testo Unico sull’Immigrazione (TUI – D.lgs. 286/98) sa Artikulo 5, talata 4, ang renewal ng permit to stay ay kailangang gawin ng dayuhan (atleast) 60 araw bago ang expiration date nito.

Sa hatol ng December 22, 2017 ay binigyang-diin ng Council of State na ang panahong nabanggit para sa renewal ng permit to stay ay hindi isang pag-uutos bagkus ay panahong kinakailangang sundin para sa mas maayos at mabilis na proseso ng dokumentasyon.

Ito ay nangangahulugang ang 60 araw ay tumutugon sa panahong kinakailangan ng proseso ng renewal na magpapahintulot sa matiwasay na pananatili sa Italya at upang maiwasan ang pagkakaroon ng irregular na sitwasyon ng dayuhan.

Samakatiwd, ang pagsusumite o paga-aplay ng renewal makalipas ang panahong nabanggit ay hindi sapat na dahilan upang tanggihan ang renewal.

Gayunpaman, ito ay nananatiling kailangang sundin upang maiwasan ang posibleng negatibong desisyon ukol sa renewal pati na rin ang malinis na hangarin ng aplikante (dayuhan) na hindi sumalungat sa mga nasasaad sa Testo Unico ukol sa reguridad, pagpasok at pananatili ng dayuhan sa bansa.

Sa kabila nito ay binigyang-diin din ng Council of State ang obligasyon ng dayuhan na patunayan ang mga dahilan tulad ng tinatawag na ‘forza maggiore’ na naging hadlang upang magsumite ng renewal ng permit to stay.

Sa paraang ito lamang mai-aangkop ang nasasaad sa artikulo 13 talata 2 ng TUI na nabanggit ng prefetto na naging dahilan ng expulsion ng dayuhan “nanatili sa bansa nang hindi nagsumite ng renewal ng permit to stay sa panahong nasasaad, maliban na mapatunayang ito ay sanhi ng ‘forza maggiore’ o sa madaling salita ay ipinagkait ang renewal ng permit to stay dahil ito ay expired na ng higit sa 60 araw at hindi nag-aplay ng renewal nito”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fake website ng Inps para sa Reddito di Cittadinanza, marami ang naloko

Ilang tips kung paano makabuluhang gamitin ang tredicesima