in

Residenza elettiva, ano ito?

Magandang araw po. Totoo po ba na kung ako ay bibili ng bahay sa Italya ay maaari akong mag-aplay ng visa para sa “residenza elettiva”? Anu-ano po ang mga requirements? 
 

Roma –  Ang mga mamamayang dayuhan na nagnanais na manirahan sa Italya ay maaaring mag-aplay ng visa para sa tinatawag na “residenza elettiva”, kung kakayanin nilang mamuhay ng hindi magsasagawa ng anumang uri ng trabaho. Ito ay isang uri ng visa na ibinibigay sa aplikante na magpapakita at magpapatunay nang pagkakaroon ng sapat na kakayahang pinansyal na itinalaga ng batas, tulad ng tinutukoy sa Interministerial decree MAE 850/2011.
 
Sa kasong ito, ang minimum required salary yearly ay 31,000 euros sa bawat aplikante. Sa kasong pinaplano ang paglipat ng buong pamilya, ang required amount monthly ay nadadagdagan ng 20% para sa asawa at halos 5% sa bawat anak, dependant minor man o hindi. Ang required amount ay dapat na manggagaling maayos at lehitimong paraan ngunit hindi buhat sa subordinate job. Ang kakayahang pinansyal ay maaaring matugunan kung ang aplikante ay magpapakita ng mga dokumento ukol sa anumang kita tulad ng pensyon o annuities, rent o upa mula sa pagkakaroon ng mga ari-arian o pagkakaroon ng pasilidad pang-komersyal. 

 
Bukod sa kita, ang dayuhan ay dapat gumawa ng isang deklarasyon ukol sa kanyang intensyon ng paglipat sa Italya kung saan nasasaad ang eksakto at buong address.
 
Kailangan ring ipakita ang deed of sale (rogito notarile) ng bahay sa Italya o maaari ring ipakita ang notarized preselling contract o ang kopya ng resibo ng reservation fee o unang hulog. Kung sakaling ang entry visa ay ibibigay dahil sa huling requirement na nabanggit, ang releasing ng permit to stay ay nakasalalay sa pagsusumite ng deed of sale kung saan makikita ang ganap na paglipat ng pangalan sa bagong may-ari. 
 
Kailngan din ang international health insurance  (balido sa Schengen area) at may minimum duration na 30 araw at minimum coverage na € 30.000 para sa emergency at hospital expenses gayun din para sa repatriation kung kinakailangan. 
 
Ang visa ay balido ng 1 taon at katulad ng ibang uri nito, sa loob ng 8 araw ng pagdating sa Italya ang dayuhan ay kailangang mag-aplay para sa first issuance ng permit to stay sa Questura gamit ang postal kit. Kailangang ilakip sa aplikasyon ang lahat ng mga dokumento na isinumite para sa visa application.
 
Ang permit to stay ay renewable kung mapapanatili ang mga kundisyon at kung ang dayuhan ay walang patid o tuluy-tuloy ang pananatili sa Italya ng higit sa 6 na buwan maliban na lamang kung ang patlang sa pananatili ay dahil sa military obligations o mabigat at di-maiiwasang dahilan. 
 
Ipinapaalala na bawal ang anumang uri ng trabaho o hanapbuhay sa ganitong uri ng permit to stay. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagsubok sa wikang italyano, Sibika at Kultura, sisimulan na!

Munting Tinig Ko, Alay Ko Sa Iyo