in

Ricongiungimento familiare para sa aking mga magulang? Paano?

Magandang araw!  Ako ay regular na naninirahan sa Itaya at nais kong makarating ang aking mga mga magulang sa bansang ito. Ano ang dapat kong gawin?

Agosto 12, 2014 – Maaaring mag-aplay para sa family reunification o ang tinatawag na ricongiungimento familiare para sa  mga magulang na higit sa 65 taong gulang kung sila ay sustentado ( a carico) at kung wala ng ibang anak sa Pilipinas o kung mayroon man, ay hindi kayang suportahan ang pangangailangan ng mga magulang dahil sa malubhang dahilan tulad ng karamdaman.

Upang mapatunayan na ang mga magulang ay tunay na sustentado, ang aplikante ay kailangang regular na pagpapadala ng pera o remittance sa mga ito at samakatwid ang pagkakaroon ng mga kopya ng resibo ng regular remittance.

Tulad  sa aplikasyon para sa family reunification ng mga anak na menor de edad at asawa, bukod sa pagkakaroon ng mga sertipiko na nagpapatunay ng relasyon tulad ng birth certificate, ang aplikante ay kailangan ding nagtataglay, mula sa regular at legal na hanapbuhay, ng sapat na sahod o kita na higit sa halaga ng social benefit (o assegno sociale) sa taon ng aplikasyon (para sa 2014 ang halaga ay € 5.818,93). Maaaring  idagdag sa sahod ng aplikante ang sahod ng mga nagta-trabahong kapisan na miyembro ng pamilya. Tandaan lamang na sa kalkulasyon ng kabuuang sahod ay kailangang isaalang-alang ang mga miyemrbo ng pamilya na sinusustentuhan na sa Italya tulad ng menor de edad na mga anak.

Bukod dito, ang aplikante ay kailangang mayroong angkop na tirahan batay sa hinihingi ng batas kung saan tutuloy o maninirahan ang magulang.

Ang aplikasyon para sa family reunification ng mga magulang ay nangangailangan din ng health insurance sa Italya. Bilang alternatibo, ay maaaring magpatala sa National Health Service (Servizio Sanitario Nazionale) na may angkop na halaga ng kontribusyon. Ang halagang ito ay ina-update tuwing dalawang taon ng awtoridad.

Kailangang i-fill up ang form S, upang simulan ang aplikasyon sa pamamagitan ng pagre-rehistro sa website https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/Ministero/index2.jsp. Sa sandaling ang application ay nasimulang i-proseso ng awtoridad, ang aplikante ay magsusumite ng lahat ng mga requirements (original at kopya) sa Sportello Unico per l’Immigrazione na sa kasong positibo, ay magbibigay naman ng awtorisasyon (o nulla osta)  ng family reunification. Pagkatapos, ang mga magulang ay magtutungo sa Italian Embassy sa Pilipinas upang mag-aplay ng entry visa papuntang Italya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

LSE Program empowers Pinoys in Rome and Milan

TORNA IN ITALIA LA ECO-MODA FILIPPINA