Magandang araw. Nais kong papuntahin sa Italya ang aking asawa at anak. Paano po mag-aplay ng ricongiungimento familiare?
Ang pag-aaplay ng family reunification process o ang tinatawag na ricongiungimento familiare ay maaaring gawin ng dayuhang regular ang pananatili sa Italya sa pagkakaroon ng mga requirements na itinalaga ng batas.
Ang miyembro ng pamilya na maaaring papuntahin sa Italya sa pamamagitan ng family reunification ay ang sumusunod:
- asawa;
- menor de edad na anak (kahit ang magulang ay hindi kasal), ampon at ang nasa ilalim ng custody bilang legal guardians;
- magulang na higit sa 65 anyos, kung ang ibang anak sa sariling bansa ay hindi kayang tustusan ang mga ito dahil sa malubhang problema sa kalusugan;
- anak mula 18 anyos pataas sa pagkakaroon ng ilang partikular na kundisyon.
Ang aplikasyon ng nulla osta o ang awtorisasyon ay maaaring gawin online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior. Ipinapaalalang upang magkaroon ng access online ay esklusibong sa pamamagitan lamang ng Sistema Pubblico d’Identità o SPID.
Pagkatapos ay i-click ang area riservata kung saan maaaring i-fill up at ipadala online ang form SM, Richiesta di Nulla Osta per Ricongiungimento Familiare.
Samantala sa form T at GN naman ay nakalaan para sa paga-upload ng mga scanned documents: 730 o Unico para sa required salary at Idoneità alloggiativa naman para sa anglo na tirahan.
Huwag kalimutan ang ilagay ang mga detaye ng revenue stamp na nagkakahalaga ng €16. Pagkatapos ay ipadala ang aplikasyon.
Ito ay ang unang hakbang lamang. Ang ikalawang hakbang ay ang appointment sa Sportello Unico per l’Immigrazione upang isumite ang mga orihinal na dokumento partikular ang ukol sa trabaho at sa sahod.
Bukod sa mga nabanggit, kung ang aplikasyon ay para sa magulag na may edad higit sa 65 anyos ay kakailanganin din ang health insurance policy.
Sa sandaling makuha ang nulla osta, ay kailangang ipadala ito sa Pilipinas lakip ang ilang dokumentasyon. Ang miyembro ng pamilya sa Pilipinas ay kailangang magtungo sa Italian Embassy para mag-aplay ng entry visa o ang family reunification visa. Ang mga requirements ay matatagpuan sa website ng Italian Embassy sa Manila.
Tandaan: Ang application ay maaaring gawin gamit ang sariling pc o sa tulong ng mga authorized offices o Patronati.
Basahin rin
Family reunification o Ricongiungimento familiare, narito ang proseso