in

Sakop ba ang domestic job ng ‘obbligo di tracciabilità? Maaari bang tanggapin ng colf ang sahod ng cash?

Hinihingi ng batas ang pagkakaroon ng ‘traces’ o patunay sa pagbibigay ng sahod sa mga workers, ngunit mayroong exemption.

Simula noong July 2018, ay obligado ang pagbibigay ng sahod na mag-iiwan ng ‘traces’, samakatwid sa pamamagitan ng bank o postal tansfer, tseke o anumang uri ng online payment.

Layunin nito ang labanan ang tax evasion at ang ‘lavoro nero’ o ang undeclared job. Bukod pa sa maiwasan ang maling pamamalakad ng mga employer tulad ng pagtatanggal sa trabaho ng walang balidong dahilan, mas mababang halaga ng sahod sa dapat na matanggap o ang hindi regular na pagbibigay ng sahod.

Sa katunayan, ayon sa Legge di Bilancio noong 2018, ang sinumang hindi susunod sa bagong regulasyon ay posibleng multahan mula € 1,000.00 hanggang € 5,000.00 batay sa kung ilang buwan lumabag sa regulasyon. Gayunpaman, ang regulasyon ay mayroong ilang exemption tulad ng domestic job.

Ito ba ay nangangahulugan na maaaring tumanggap ng cash ang mga colf?

Ang mga colf, tulad ng mga babysitters o caregivers ay kabilang sa service sector at mayroong contratto collettivo nazionale. Ito ay nangangahulugan na ang domestic job ay may karapatan sa social security, sick leave at iba pa batay sa uri ng kontrato at oras ng trabaho, tulad ng lahat ng mga worker.

Bukod dito ay dapat ding isaalang-alang ang limitasyon sa cash na maituturing namang mataas na halaga para sa sahod ng colf, ang € 2.999,99.00 kada buwan.

Ayon sa batas, ang domestc job ay hindi sakop ng obbligo di tracciabilità o ang pagkakaroon ng patunay sa pagbibigay o pagtanggap ng sahod. Ito ay nangangahulugan lamang na maaaring tumanggap ang mga colf ng cash mula sa mga employers. Walang anumang obligasyon sa pagkakaroon ng traces o patunay sa pagbibigay o pagtanggap noto.

Ngunit kung exempted ang domestic job sa bagong regulasyon, ito ay hindi nangangahulugan na mas makakabuting ‘cash’ ang sahod ng mga colf. Marahil sa kasalukuyan ay maganda ang relasyon sa pagitan ng employer at worker. Ngunit paano na kung dumating ang krisis sa pamilya at magkaroon ng delayed sa sahod? Paano mapapatunayan ang mga sahod na tinanggap na at dapat pang matanggap?

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagpupugay kay Dr. Jose Rizal, pagbubukas ng Kalayaan 2019 sa Roma

Ika-121 taon ng Araw ng Kalayaan, makulay at makahulugang ipinagdiwang sa Roma