Magandang araw po. Ako ay nag-aplay ng EC long term residence permit o ang tinatawag na carta di soggiorno. Hinihingan ako ng Questura ng judicial certified general record (certificato casellario) at certificate of pending charges (carichi pendenti). Maaari ba akong gumawa ng self-certification para sa mga ito?
Oktubre 24, 2014 – Ang posibilidad na gumawa ng self-certificate para sa mga mamamayang dayuhan na regular na naninirahan sa Italya para sa renewal ng permit to stay ay muling ipinag-paliban sa darating na June 30, 2015, alinsunod sa Batas n. 119/2014.
Ang dahilan ng pagpapalibang ito ng self-certification ay ang kakulangan ng koneskyon ng iba't-ibang database ng mga tanggapang publiko na magpapahintulot sa Questura at Prefecture na mapatunayan ang mga impormasyong ukol sa dayuhan na gumagawa ng self-certification alinsunod sa Batas Pambansa n. 445/2000.
Ito ay nangangahulugan na sa kasalukuyan sa paga-aplay ng permit to stay, gayun din sa aplikasyon para sa family reunification, ang mga mamamayang banyaga ay kailangang magsumite ng lahat ng dokumentasyon hinihingi sa D.Lgs. 286/98 at ng D.P.R. 394/99, dahil ang mga dokemento sa mga nabanggit na aplikasyon ay hindi pa maaaring gamitan ng self-certification.
Sa mga kasong tulad nito, ang sinumang naga-aplay para sa EC long term residence permit ay kailangang maglakip sa aplikasyon ng lahat ng kinakailangang dokumentasyon tulad ng ng judicial certified general record (certificato casellario) at certificate of pending charges (carichi pendenti). Bukod dito, siguraduhin ang pagpasa sa italian language exam bago mag-aplay ng nasabing dokumento.
Dapat ding isaalang-alang na ang certificate of housing suitability o certificate d’idoneità alloggiativa (isa sa mga requirements ng carta di soggiorno para sa mga dependants – asawa at anak o sa aplikasyon para sa family reunification) ay hindi kahit kalian maaaring gawan ng self-certification dahil ang sertipikong ito ay alinsunod sa technical requirements ng Munisipyo.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]