in

Sertipiko ng kaalaman sa wikang Italyano, kailangan din ba sa aplikasyon ng Italian citizenship by marriage?

Ang angkop na kaalaman sa wikang italyano sa pag-aaplay ng Italian citizenship - residency at marriage - ay ang antas B1 ng QCER.

Ang angkop na kaalaman sa wikang italyano sa pag-aaplay ng Italian citizenship, ay ang antas B1 ng Quadro Comune Europeo di Riferimento per Le Lingue o QCER.

Ito ay isang bagay na hindi bago sa mga dayuhan dahil sa ito ay obligado na rin sa pagkakaroon ng EC long term residence permit o permesso UE per lungo soggiornanti, na kilala sa dating tawag na carta di soggiorno.

Samakatwid, para sa aplikasyon ng italian citizenship by marriage ay hindi na sapat ang pagkakaroon ng asawa na Italian citizen, o sampung taong residency sa bansa.

Ito ay simulang ipinatupad ng Dereto Salvini at nanatiling requirement sa aplikasyon ng italian citizenship – by residency at by marriage kahit ibinaba na ulit ang panahon ng pagsusuri ng mga aplikasyon sa dalawang taon hanggang sa maximum na tatlong taon, sa pagtatanggal ng decreti Salvini.

Ang sertipiko na may antas B1 bilang patunay na sumailalim sa Italian language test ay maaaring ibigay ng mga paaralang kinikilala ng Ministry of Foreign Affairs, Ministry of Education tulad ng:

  • University of Roma Tre (http://www.certificazioneitaliano.uniroma3.it/);
  • Unibersidad para sa mga dayuhan ng Perugia – CELI (https://www.cvcl.it/);
  • Unibersidad para sa mga dayuhan ng Siena – CILS (https://cils.unistrasi.it/)
  • Dante Alighieri Society – PLIDA (https://plida.it/).

Hindi kasama sa obligasyong patunayan ang kaalaman sa wikang italyano ng mga sumusunod:

  1. Dayuhang mamamayan na nagtataglay ng diploma/kwalipikasyon na inisyu ng isang pampubliko o pribadong institusyong pang-edukasyon na kinikilala ng Ministriy of Foreign Affairs;
  2. Dayuhang mamamayan na nagtataglay ng diploma/kwalipikasyon na inisyu ng isang pampubliko o pribadong institusyong pang-edukasyon na kinikilala ng Ministriy of Education (MIUR);
  3. Dayuhang mamamayan na nagtataglay ng diploma/kwalipikasyon na inisyu ng mga institusyong pang-edukasyon na kinikilala ng MAECI (Mga Italian school sa ibang bansa);
  4. Mga mamamayan na mayroong EC long term residence permit o permesso CE per lungo soggiornanti;
  5. Mga mamamayan na mayroong ‘lumang’ permesso CE per lungo soggiornanti na inisyu mula Disyembre 9, 2010;
  6. Mga mamamayan na pumirma sa Accordo di Integrazione na tinukoy sa Artikulo 4-bis ng Testo Unico per Immigrazione. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong DPCM, narito ang mga paghihigpit hanggang April 6

Paano ang legalization ng mga dokumento mula sa Pilipinas? Ano ang tinatawag na Apostille?