Sa Italya ay may karapatang mapanatili ang trabaho ng maysakit o naaksidenteng colf o badante. Sa katunayan, sa mga panahon ng pagkakasakit o aksidente, ay pinoprotektahan ng batas ang mga domestic workers (CCNL Domestic Job art.4-6), na mapanatili ang kanilang mga trabaho batay sa itinakdang maximum na bilang araw bawat taon.
Karapatang mapanatili ang trabaho: gaano katagal?
Sa panahon ng pagliban sa trabaho dahil sa pagkakasakit o aksidente, ang mga colf at badante ay maaaring mapanatili ang kanilang trabaho para sa mga sumusunod na itinakdang panahon:
- 10 araw – para sa panahon ng serbisyo hanggang anim na buwan;
- 45 araw – para sa panahon ng serbisyo mula anim na buwan hanggang dalawang taon;
- 180 araw – para sa panahon ng serbisyo ng higit sa dalawang taon.
PAALALA:
Ang nabanggit na panahon ay nadadagdagan ng 50% sa kaso ng oncological disease (o pagkakaroon ng cancer), na pinatutunayan ng may ASL.
Sa panahon ng pagkakasakit, ang probationary period o anumang panahon ng abiso ay nasususpinde.
Ang panahon ng pagliban sa trabaho ay dapat na bilangin batay sa haba ng panahon ng serbisyo.
Ano ang mangyayari kung lumampas ang itinakdang panahon?
Kung ang colf o badante ay lumampas sa itinakdang panahon batay sa haba ng panahon ng serbisyo, ay mawawalan ng karapatang mapanatili ang trabaho. Kung nanaisin, ang employer ay may karapatang tanggalin ang colf para sa makatarungang dahilan o licenziamento per giusta causa.
Paano kinakalkula ang mga araw ng pagpapanatili ng trabaho?
Ang panahon ng pagpapanatili ng trabaho ay kinkalkula sa loob ng 365 araw simula sa araw ng pagkakasakit, hindi mula Enero 1 hanggang 31 Disyembre ng taon.
Halimbawa, kung ang colf ay nagkasakit ng Nobyembre 21, 2020, ang mga araw ng sick leave at dapat kalkulahin hanggang sa parehong araw ng susunod na taon. Ang kalkulasyon ng taunang bilang ng araw ng sick leave, samakatuwid, ay nagsisimula sa Nobyembre 22, 2021.
Samakatwid, upang malaman kung ilang araw ng sick leave mayroon ang colf o badante o kung ilang araw pa ang nalalabi, ay kailangang suriin kung sa nakaraang 365 araw bago ang pagkakasakit ay gumamit na ng ilang araw ang colf o badante. (www.colf-badanti.it)