Narito ang mga kasagutan sa mga agam-agam at alinlangan sa panahon ng Fase 2.
Maaari ko bang bisitahin ang aking kapatid?
Sa DPCM ng Abril 26, simula May 4 o simula ng Fase 2, ay pinahihintulutan ang lahat na mabisita ang mga tinatawag na ‘congiunti’. Gayunpaman, sa kabila ng pahintulot, ay mahigpit na ring ipinapaalala na limitahan ang pakikipagkita sa mga hindi kasama sa bahay dahil ito ay maaring maging dahilan ng muling panganib. Sa okasyon ng muling pagkikita, ay ipinagbabawal pa rin ang tinatawag na ‘assembramento’ o ang pagkukumpol-kumpol ng mga tao, na sundin ang social distancing at ang paggamit ng mask bilang proteksyon.
Sino ang tinatawag na ‘congiunti’?
Ang ‘coungiunti’ na binanggit sa Dpcm ng Abril 26 ay tumutukoy sa: asawa, live-in partner, civil union partner, pamilya, kadugo at kamag-anak hanggang ika-anim na grado (halimbawa ang anak ng pinsan) at hanggang ika-apat na grado naman ng mga in-laws (halimbawa ang pinsan ng asawa).
Hindi kasama ang kaibigan o malalapit na kaibigan at nobyo o nobya sa depinisyon ng ‘congiunti’.
Maaari bang lumabas ng bahay para maglakad-lakad o ang tinatawag na passeggiata?
Maaari lamang lumabas mula sa tinitirahang bahay para magpunta sa trabaho, para sa dahilan ng kalusugan, mahigpit na pangangailangan o dahil sa sport o exercise sa open air. Gayunpaman, ang passeggiate ay pinahihintulutan kung ito ay dahil sa mga dahilang nabanggit sa itaas. Halimbawa, pinapahintulutan ang paglalakad papunta sa supermarket, pagbili ng newspaper, pagpunta sa botika o pagpunta sa parke para sa exercise sa open air. Sa kaso ng kontrol ng awtoridad, halimbawa sa trabaho ay maipapakita, bukod sa autocertificazione ang ibang dokumento mula sa employer, tulad ng ID at iba pa.
Maari bang lumabas ng bahay upang bumili ng mga bagay na hindi makakain?
Oo, ngunit ito ay esklusibong mga gamit lamang na may pahintulot sa kasalukuyan.
Maaari na bang makabalik sa sariling tahanan ang mga naipit ng lockdown sa ibang Rehiyon?
Oo, batay sa decreto ay may pahintulot ng makauwi sa sariling tahanan ang mga naipit ng lockdown kahit pa ang lugar na tinutukoy ay sa ibang Rehiyon. Gayunpaman, batay pa rin sa nabanggit na decreto, sa pagkakataong nakabalik na sa sariling tahanan sa ibang Rehiyon ay hindi na pinahihintulutan na makalabas pang muli.
Maaari ko bang samahan ang aking batang anak sa parke?
Oo, may pahintulot ang magpunta ng parke, ville, public garden ngunit ipinagbabawal ang pagkukumpol-kumpol o assembramento, dapat sundin ang social distancing at paggamit ng mask. Gayunpaman, ang mga palaruan para sa mg abata ay nananatiling sarado at hindi maaaring puntahan. (PGA)