Nais ko po sanang malaman kung ano ang garansya o ang mga karapatan ng mga bumili ng isang bagay at hindi gumana matapos itong bilhin. Ano ang dapat gawin at sino ang dapat kong lapitan?
Ang Consumer Code ay nag-garantiya at pinoprotektahan ang mga consumer sa pagbili ng mga produkto na hindi umaangkop sa mga advertisement ng dealer o kung hindi man ay nagpapakita ng mga depekto matapos itong bilhin.
Sino ang consumer?
Ang mga mamimili o consumer ay ang mga taong bumibili ng mga kalakal, produkto o mga benepisyo ng isang serbisyo mula sa isang kumpanya o sa isang negosyante (consumer ang tawag sa mga nagpupunta sa mga supermarket upang mamili, ang mga bumibili ng brand new o secondhand car sa mga dealer, ang mga bumibili ng cellular phones o computer at marami pang iba). Ang mamimili ay protektado lamang ng pakikipag-ugnayan sa negosyante. Hindi protektado, gayunpaman, kung ang pakikipag-ugnayan ay sa ibang pribadong entidad. Ang mamimili ay hindi rin protektado kung ang produkto o serbisyo na binili ay gagamitin sa sariling kumpanya.
Pagsunod, kalidad at kaligtasan
Dapat malaman na ang isang produkto, ay dapat na ibinebenta alinsunod sa mga regulasyong kinakailangan, kalidad at kaligtasang hinihingi ng bansa at ng Europa. Ang isang produkto ay angkop kung tumutugma ng maayos sa advertisement ng nagbebenta, kung nagtataglay ng mga elemento at mga katangian na inilarawan (ng advertising o ng etiketa). Ang kalidad ng mga produkto ay nararapat na angkop sa layunin kung bakit ito nilikha. Ito rin ay dapat na nilikha ayon sa mga patakaran upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan ng consumer.
Sa Italya ang proteksyon at karapatan ay napapaloob sa Consumer Code (Pambatasan atas No 206 ng 2005), na syang namamagitan sa consumer o customer, vendor, at manufacturer.
Ang Warranty
Kapag ang isang produktong binili ng mamimili ay may depekto at hindi ito mapapanginabangan ng buo, sa Consumer Code ay nasasaad ang tinatawag na Warranty, ito ay may-bisa ng dalawang taon o nangangahulugan ng posibilidad na mapalitan o mapa-repair ang produkto ng walang gastos ang mamimili.
Ang lahat ng mga produkto ay may Warranty maliban lamang sa gas at tubig (kung ito ay hindi naka-pack), sa koryente at sa ari-arian na sapilitang ibinebenta. Ito ay hindi angkop sa mga produktong binili sa pagitan ng pribadong indibidwal. Ang warranty ay hindi sumasaklaw kung ang depekto, bagaman bahagi lamang, ay naging sanhi ng mamimili.
Ito ay naaangkop din sa mga second hand o slightly used na produkto (halimbawa,ang second hand car. Sa kasong ito ang warranty ay bahagi lamang)
Ang produkto ay itinuturing rin na depektibo kapag ito ay hindi napapakinabangan para sa gamit nito tulad ng ibang produktong may parehong gamit: hindi angkop kung hindi tumutugon sa pagkakalarawan ng nagbenta nito at walang kwalidad tulad ng inaasahan ng consumer tulad ng nasasaad sa mga advertisement at sa etiketa nito.
Ang mga depekto ay maaari ding matagpuan sa mga produktong binubuo o ina-assemble. Kung ang isang produkto ay nangangailangan ng instalation o dapat i-assemble, ang warranty ay balido lamang kung ang produkto ay binuo ng tauhan ng vendor o ginawa o binuo ng consumer ng mali dahil sa kakulangan o hindi sapat na instructions.
Ang Garansya ay may-bisa ng dalawang taon na nagsisimula mula sa petsa ng pagbili o paghahatid ng produkto (mabuting itago ang resibo o invoice). Ang ilang mga kumpanya ay nagbibigay rin ng mga garantiya na conventional, na tumatagal ng higit sa dalawang taon.