in

Sino ang exempted sa italian language test para sa carta di soggiorno?

Ako po ay nag-aral dito sa Italya. Nais kong mag-aplay ng EC-long term residence permit, dapat ko bang gawin ang test sa italian language?

 

 

Pebrero 24, 2013 – Ang EC-long term residence permit o ang dating carta di soggiorno ay ibinibigay sa dayuhang mayroong permit to stay ng hindi bababa sa limang taon at mayroong sahod katumbas ng social benefit o assegno sociale, buhat sa marangal na dahilan na magagamit sa pananatili sa Italya (art. 9 d.lgs. 286/98).

Ayon sa batas 94/2009 ay kinakailangang sumailalim sa isang pagsusulit sa wikang italyano ang nagnanais magkaroon ng ganitong uri ng permit to stay. Para sa antas ng kaalaman sa wika ay itinalaga ang A2 ng Quadro Comune di riferimento Europeo (QCER), ito ang nagtatalaga ng antas ng pagkilala at pang-unawa sa mga pangungusap at mga pangkaraniwang salitang gamit sa araw araw.

Hindi lahat ng non-EU nationals ay kailangang sumailalim sa pagsusulit. Halimbawa, exempted ang sinumang pumasok o nagtapos sa italian school ng first at second degree high school. Ito ay nangangahulugan na hindi sasailalim sa pagsusulit at ilalakip ang high school diploma sa aplikasyon ng nasabing dokumento. Dito ay tinutukoy ang scuola media at ang licei at/o ang istituti superiori professionali. Kahit ang mga mayroong sertipikasyon ng pag-aaral sa unibersidad, master’s degree o PhD ay exempted din at hindi sasailalim sa pagsusulit.

Samantala, ang sinumang nagtapos ng scuola materna o nursery, elementarya at nagsimulang pumasok ng high school ngunit hindi nakatapos ay dapat sumailalim sa nasabing pagsusulit.

Kung sa aplikasyon ay kabilang ang mga anak na menor de edad at mas bata sa 14 na taong gulang, sila ay hindi sasailalim sa pagsusulit. Gayun din ang mga dayuhang higit sa 85 anyos at mayroong mabigat na karamdaman at walang kakayahang mag-aral ng wika dahil sa edad o sa sakit. Gayunpaman, nararapat na ilakip ang isang sertipikasyon buhat sa isang public health structure na magpapatunay ng kalagayan.

Exempted at hindi rin sasailalim sa test ang sinumang mayroong sertipikasyon na magpapatunay ng antas higit sa A2 ng QCER o ang sinumang dumating sa bansa bilang managers, highly qualified workers, ang mga propesor sa unibersidad, translator at interpreters, mga full time colf na dumating sa bansa upang sundan ang isang Italian family o EU nationals na residente sa ibang bansa upang magpatuloy ang trabaho at ang mga official journalistsayon sa art. 27, talata 1, letra a), c), d), e) e q) ng d.lgs. 286/98.

Ipinapaalala rin na ang sinumang mayroong EC-long term residence permit at dapat mag-update nito ay hindi sumasailalaim sa pagsusulit. Ito ay obligado lamang sa first issuance ng nasabing dokumento.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CE per soggiornanti lungo periodo, anu-ano ang requirements?

90 araw, kailangang hintayin kung hindi makakarating sa araw ng italian language test