Magandang umaga. Nakakita ako ng isang apartment na uupahan at nais kong malaman kung sino ang dapat magbayad ng registration fee ng kontrata nito, mga bills, ang condominium fees at ang maintenance ng apartment. Ano po ang nasasaad sa batas?
Ang dibisyon ng mga gastusin sa pagitan ng may-ari at nangungupahan pati na rin ang nilalaman ng lease contract para sa residential use nito ay nasasaad sa Batas No. 392/78 at sa Civil Code.
Upang mas maunawaan kung anu ano ang mga gastusing sagutin ng may-ari ng apartment at anu-ano naman ang sagutin ng umuupa (locatario), ay kailangang malaman ang nilalaman ng nabanggit na batas.
Registration fee ng kontrata
Ang registration fee ay sagutin ng parehong may-ari at umuupa, sa parehong porsyento. Ito ay nangangahulugan ng 50% ang bahagi ng bawat isa.
Oneri accessori
Ang oneri accesori ay mga expenses na makikitang napapaloob sa spesa condominiale o condominium expenses, tulad ng ang maintenance, konsumo sa kuryente, maintenance ng common use tulad ng elevator, ilaw, heater. Bukod dito, sa oneri accesori ay kasama din ang bills ng basic services tulad ng tubig, ilaw, gas at telepono. Ang mga gastusing ito ay dapat bayaran ng umuupa ng apartment dahil sa sya ang pangunahing kumukonsumo nito.
Kung ang bills ay dumadating sa bahay ng owner at hindi sa address ng inuupahang apartment, bago magpatuloy sa pagbabayad, ang umuupa ay may karapatang makita ang mga bills. Ito dapat bayaran sa loob ng dalawang buwan mula sa request ng may-ari ng apartment. Paalala: ang hindi pagbabayad at kung ang halaga ay mas mataas sa halaga ng dalawang buwang napagkasunduan, ang may-ari ay maaaring wakasan ang kontrata at magpatuloy sa pagpapa-alis.
Gayunpaman, minsan ang ilang nagpapa-upa ay kasama na ang oneri accessori sa buwanang bayad. Ito ay kailangang tukuyin ng dalawang partes sa kontrata. At sa ganitong kaso, ang regular na pagbabayad ng bills ay hindi limitado. Hindi pinahihintulutan ng batas na ang halagang babayaran ng umuupa ay labis at sa ganitong kaso ang kasunduan na nasa kontrata ay pinawawalang-bisa.
Oneri condominiali
Ang tinatawag na oneri condominiali ay ang halagang binabayaran ng lahat ng mga nakatira sa condominium. Kung ang apartment ay nasa loob ng condominium, ay mayroong mga expenses na dapat bayaran ng may-ari ng apartment tulad ng papalitang mga installation bilang pagsunod sa batas, habang ang mga expenses na dapat bayaran ng umuupa ay dahil kanyang pinakikinabangan mga serbisyong ito tulad ng nabanggit sa itaas.
Upang maiwasan ang pagkalito kung sino ang magbabayad ng condominium expenses, noong 2014 ang mga tanggapang nangangalaga sa karapatan ng mga owners at tenants ay nagtalaga ng listahan ng mga gastusin na naglilinaw kung sino, ano at gaano ang dapat bayaran ng bawat isa. Ang dokumento ay rehistrado sa Ageniza delle Entrate na may bilang 8455/3 noong April 30, 2014. Ito ay nagpapahintulot sa mga bagong kontrata na hindi ilakip ang kopya ng dokumento kung ito ay nababanggit na sa kontrata mismo.
Maintenance fee ng apartment
Ang Civil Code ay nagtalaga ng uri ng maintenance at/o repair na dapat bayaran ng owner at ng tenant.
Halimbawa, kung masisira ang isang tubo sa bahay o masira ang heater sanhi ng malakas na ulan, ang may-ari ng bahay ay kailangang palitan ito. Dahil dito ay masasabing ang owner ay kailangang sagutin ang mga gasyusin sa repair dahil sa katagalan nito maliban na lamang kung ang pagkasira ay sanhi ng maling paggamit ng umuupa.
Ang mga Minor maintenance na dapat gawin sa apartment dahil sa paggamit ng tenant, ay sagutin ng tenant mismo. Sa kasong ang umuupa ng ilang buwan pa lamang ay hindi maaaring sagutin ang gastusin sa maintenance kung hindi sya mismo ang nakasira.
Bukod dito ay nilinaw ng Civil Code na sa kawalan ng pagpapasiya sa gastusin sanhi ng katagalan o sa gamit o sa hindi inaasahang pagkasira, ang desisyon kung sino ang magbabayad ng repair o pagpalit ay ibabatay sa local use nito. Kung maging sa pamamagitan ng local use nito ay hindi matutukoy kung sino ang gagastos, ay maaaring mag-reklamo sa hukom upang masolusyunan ang hindi pagkaka-unawaan sa kawalan ng batayan o kung ang dalawang partes ay hindi umabot sa kasunduan.