Tulad ng unang inilathala ng Akoaypilipino.eu, tataas hanggang € 118,00 ang halaga ng domestic sector, partikular sa mga pamilyang mayroong babysitter na nag-aalaga ng mga bata na may edad 6 na taong gulang pababa at sa mga pamilyang mayroong caregiver na nag-aalaga ng dalawang matanda na hindi autonomous o non-autosufficienti.
Ayon sa ulat ng ilsole24ore, para sa dalawang nabanggit, babysitter at caregiver, ang bagong pirmadong CCNL ay nagsasaad ng bagong kompensasyon, na idadagdag sa kanilang sahod na nagkakahalaga ng € 115,76 kada buwan para sa mga baby sitters ng mga bata under 6 at € 100 naman kada buwan sa mga caregivers na nasa level C Super at D Super, na nag-aalaga ng higit sa isang tao na non self-sufficient. Ang mga halagang nabanggit ay magsisimula sa buwan ng Oktubre 2020.
Samantala, simula Enero 2021 ay magkakaroon din ng increase sa sahod ang mga naka-live in na may level B Super, ang increase ng € 12 kada buwan.
Samantala, simula Enero ay mado-doble rin ang kontribusyon sa Cassa Colf – mula € 0,03 kada oras sa € 0,06 – 2/3 nito ay babayaran ng employer at 1/3 naman ang babayaran ng worker.
Para sa halaga ng kontribusyon sa Inps, ay kailangang hintayin ang taong 2021.