in

Sino ang may karapatang makatanggap ng NASPI 2023 sa domestic job? 

Ako Ay Pilipino
Ako Ay Pilipino

Ang NASPI ay ang monthly unemployment benefit na ibinibigay ng INPS, ang Italian National Institute for Social Security, sa mga workers na involuntarily na nawalan ng trabaho.

Ang mga colf at caregivers na may regular na employment contract, ay may karapatan na makatanggap ng NASPI 2023. 

NASPI 2023: Anu-ano ang mga requirements para sa domestic job?

Upang matanggap ang unemployment benefit ng mga colf at babysitters ay kailangan ang pagkakaroon ng mga sumusunod na kundisyon:

  • Involuntarily termination o hindi inaasahang pagkawala ng trabaho;
  • 13 linggong kontribusyon, sa huling 4 na taon bago mawalan ng trabaho.

Dapat tandaan na sa boluntaryong pagbibitiw o pag-alis sa trabaho ng worker ay walang karapatang matanggap ang benepisyo, maliban sa mga kaso tulad ng mga sumusunod:

  • pagbibitiw dahil sa ‘giusta causa’;
  • pagbibitiw sa panahon ng maternity: 300 araw bago ang inaasahang petsa ng kapanganakan at hanggang ang bata ay sumapit sa 1 taong gulang;
  • risoluzione consensuale del rapporto di lavoro o consensual termination, sa kondisyong ito ay naganap batay sa pamamaraan ng lokal na tanggapan ng paggawa;
  • consensual termination kasunod ng pagtanggi ng worker na lumipat sa ibang lokasyon na higit sa 50 km ang layo mula sa tirahan ng manggagawa;
  • termination at tanggap ang alok ng pagkakasundo;
  • disciplinary dismissal.

NASPI 2023: Ano ang halagang matatanggap sa domestic job? 

Ang halaga ng NASpI 2023 sa doestic job ay katumbas ng 75% ng average monthly taxable salary para sa social security purposes, na natanggap ng colf sa loob ng 4 na taon bago mawalan ng trabaho.

Para sa 2023, tulad ng nakasaad sa INPS communication n.14 ng 3 February, ang maximum na halaga ng NASpI unemployment benefit ay katumbas ng € 1,470.99, habang “ang halaga ng suweldo na gagawing reference para sa pagkalkula ng unemployment benefits NASpI” ay katumbas ng €1,352.19.

NASPI 2023: Kailan dapat gawin ang aplikasyon sa domestic job? 

Upang matanggap ang unemployment benefit sa domestic job, ang colf ay dapat magsumite ng aplikasyon sa loob ng 68 araw, mula sa:

  • Mula sa petsa ng pagtatapos ng trabaho;
  • Mula sa ika-38 araw ng pagkatapos ng trabaho, sa kaso ng ‘licenziamento per giusta causa’;
  • mula sa pagtatapos ng maternity leave w/ benefit sa kasong ang pagbubuntis ay naganap sa panahong nagta-trabaho pa;
  • pagtatapos ng sick/injury leave & benefit na naganap sa panahong nagta-trabaho pa;

NASPI 2023: Paano gagawin ang aplikasyon? 

Ang aplikasyon ng NASPI 2023 ay dapat na eksklusibong isumite online sa website ng Inps o sa pamamagitan ng:

  • contact center sa 803 164 (mula sa landline) o 06 164 164 mula sa mobile phone;
  • Patronati o Intermediaries ng ahensya.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Contratto di Soggiorno per lavoro subordinato ng Decreto Flussi, ano ito at bakit ito mahalaga?

Isolation and social withdrawal ng mga teenagers sa Italya, pinangangambahan