in

Sino ang mga fiscally dependents sa paggawa ng dichiarazione dei redditi?

Ibinigay ng aking employer ang Certificazione Unica o CU. Dapat ba akong gumawa ng tax return o dichiarazione del reddito? Ang mga anak ko ba na nasa Pilipinas ay maituturing na fiscally dependents o ‘fiscalmente a carico’?

Ayon sa batas sa Italya, ang sinuman na nagkaroon ng isang sahod sa nakaraang taon ay dapat ihayag sa Estado ang tinanggap na sahod, maliban na lamang kung kabilang sa mga exempted.

Subalit sa exemption na ito ay hindi kabilang ang mga colf at caregivers dahil ang employer ay isang indibidwal o pribado o persona fisica at hindi isang withholding agent. Maliban na lamang kung tumatanggap ng gross income na katumbas o mas mababa sa  € 8000.

Sa paggawa ng tax return, ay maaari ring ideklara ang ginastos ng mga fiscally dependents o ‘fiscalmente a carico’ na miyembro ng pamilya. Tinutukoy na fiscally dependents ang lahat ng miyembro ng pamilya na may kita na katumbas o mas mababa sa €2.840,51.

Maaari ring ideklara ang mga fiscally dependents na anak na residente sa labas ng bansang Italya kung nagtataglay ng codice fiscale o tax code. Bukod dito, ay kailangan ding patunayan ang pagiging ganap na fiscally dependent nito, kung hindi ay hindi deductible ang mga gastusin.

Ang mga non-EU nationals na nais ang deduction ng mga fiscally dependents ay kailangang nagtataglay ng mga dokumento na nagpapatunay ng relasyon sa tax payer. O maaaring:

–  Orihinal na dokumento buhat sa Embahada, isinalin sa wikang italyano at legalized ng Prefecture.

–   Orihinal na dokumento buhat sa sariling bansa, isinalin sa wikang italyano at sertipikado bilang orihinal sa Italian Embassy sa sariling bansa.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta di Soggiorno mula sa ibang bansa ng EU, balido ba sa pagta-trabaho sa Italya?

Paano gagawing regular ang pananatili sa Italya ng mga magulang ng naturalized italian citizen?