Nasasaad sa huling DPCM o decreto Natale na ang mga Italians o dayuhang residente sa Italya, na nasa labas ng Italya mula December 21 hanggang January 6, dahil sa turismo o upang ipagdiwang ang panahon ng Kapaskuhan ay kailangang sumailalim sa quarantine pagbalik sa Italya.
Ito ay para din para sa mga dayuhang turista na papasok sa bansa sa nabanggit na petsa.
Sinu-sinong mga dayuhan ang tinutukoy sa decreto Natale?
Ayon sa website ng Ministry of Health, ang elenco C o list C ay ang mga bansa na batay sa ipinatutupad na regulasyon sa kasalukuyan sa Italya, ay hindi nangangailangan ng anumang motibasyon ang pagbibiyahe. Samakatwid, ay maaaring ang dahilan ng pagbibiyahe ay turismo.
Ang elenco C ay binubuo ng mga bansang:
Austria, Belgium, Bulgaria, Cyprus, Croatia, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Ireland, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Malta, Netherlands, Poland, Portugal, Czech Republic, Romania, United Kingdom, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, Hungary, Iceland, Norway, Liechtenstein, Switzerland, Andorra, Principality of Monaco.
Ayon sa Ministry of Health, sa mga papasok na dayuhan sa Italya mula sa mga bansang nabanggit, mula December 21 hanggang January 6, para sa turismo ay kailangang sumailalim sa fiduciary isolation at health surveillance.
Samantala, ang mga darating sa Italya o babalik sa Italya o nagkaroon ng stop over sa mga bansang nabanggit, mula December 10 hanggang December 20 (at mula January 7), bukod sa Autocertificazione ay maaaring pumili sa dalawang posibilidad:
- Sumailalim sa tampone (rapido o molecolare) 48 hrs bago ang pagpasok sa Italya at may hawak na ‘negative’ result nito
- fiduciary isolation at health surveillance.
Nananatili din ang obligasyon ng pakikipag-ugnayan sa ASL o local health assistance.
PAALALA: Ito ay hindi nangangahulugan na ang mga dayuhang mula sa ibang bansa o bansang hindi nabanggit sa list C ay hindi sasailalim sa fiduciary isolation. Ang artikulo ay tumutukoy sa mga petsang nasasaad sa decreto Natale.
Para sa karagdagang impormasyon; bisitahin lamang ang website ng Ministry of Health at Ministry of Foreign Affairs. (PGA)