in

Sinu-sino ang mga colf na makakatanggap ng € 1000?

Kahit sa mga domestic workers, tulad ng aming unang inilathala, ay dadating na din ang matagal nang hinintay na tulong pinansyal mula sa gobyerno upang harapin ang emerhensyang hatid ng coronavirus ng sektor.

Ito ay ang ayuda ng € 500 sa loob ng dalawang buwan, Abril at Mayo para sa mga domestic workers na hindi live-in o stay-in.

Ito ay napapaloob sa DL Rilancio, na inaprubahan noong nakaraang May 13, 2020 ng Governo Conte at naglaan ng 460 million euros para sa domestic sector. 

Habang naghihintay ng Implementing Rules at Guidelines, na magsasaad ng paraan ng aplikasyon, inilathala ng Assindatcolf ang mga requirements at sinu-sino ang may karapatang makatanggap ng tulong pinansyal batay sa indikasyong napapaloob sa Decreto Legge. 

Ang kabuuang € 1000 euro ay para sa mga colf na sa petsa ng Feb. 23, 2020 ay may isa o higit na employment contract na higit sa 10 oras kada linggo ang trabaho. Ang bonus, ay ibibigay sa kundisyong ang colf ay hindi naka live-in sa employer, samakatwid ang colf ay part-timer. 

Ang tulong pinansyal ay ibibigay ng Inps, matapos mag-aplay ang colf. Ito ay ipagkakaloob din sa kasong ang colf ay:

  • nagpatuloy sa trabaho;
  • ginamit ang ferie o bakasyon; 
  • permesso non retribuito o pagliban sa trabaho na may pahintulot ngunit walang sahod; 
  • sospensione extraferiale o sospensyon sa trabaho at may sahod. 

Ayon pa sa Assindatcolf, hindi naman matatanggap ang ayuda sa kasong ang colf ay: 

  • tumatanggap na ng pensyon (maliban na lamang kung invalidità);
  • ang employment contract ay hindi lavoro domestico;
  • kung tumatanggap ng ibang tulong mula sa gobyerno tulad ng Reddito di Cittadinanza (maliban na lamang kung ang natatanggap ay mas mababa sa € 500. Sa kasong ito, ay ibibigay na lamang sa colf ang karagdagang halaga upang umabot sa € 500 kada buwan). (PGA)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization, ano ang dalawang pamamaraan na nasasaad sa dekreto? Ito ba ay opisyal ng nailathala?

May 18, ang ikalawang bahagi ng pagtatanggal ng lockdown sa Italya