Dumating ako sa Italya taong 2011 gamit ang ‘tourist visa’at ako ay pinagkalooban ng Tax code. Ngayon ay expired na ang aking tourist visa at nais akong i-regularize ng aking employer. Maaari ko bang gamitin ang aking Tax code o codice fiscale bilang patunay ng aking pananatili sa Italya?
Oo, maaari mong gamitin ang Tax code bilang patunay ng iyong pananatili sa bansang Italya. Ngunit dahil tourist visa ang iyong ginamit sa pagpasok sa bansa, ay maaaring gamitin ang rubberstamp sa iyong pasaporte upang ipakita kung kalian ka dumating ng Italya gayun din ang ‘declaration of presence’ na ginawa sa tanggapan ng pulisya. Tandaan na ang lahat ng mga imigranteng dumarating sa Italya gamit ang ‘tourist visa’ ay dapat na gumawa ng ‘declaration of presence’ sa local police station.