in

Tessera Sanitaria, balido ba sa ibang bansa sa Europa?

Ang isang Pilipino na mayroong regular na permesso di soggiorno sa Italya ay may obligasyong gawin ang pagpapatala o iscrizione (maaaring obbligatoria o volontaria) sa Servizio Sanitario Nazionale o National Health Service ng Italya. Ito ay nagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan o health assistance katulad ng pagkakaroon ng sariling medico di famiglia o family doctor.

Pagkatapos ng pagpapatala, ay awtomatikong ipinapadala ng Agenzia dell’Entrate ang Tessera Sanitaria. Ito ay isang mahalagang dokumento upang matanggap ang mga health services ng SSN. Ito ay kinakailangan din upang mai-rehistro ang pagbili ng mga gamot o medical check-ups para sa Dichiarazione dei Redditi.

Basahin din:

At bukod sa access sa health services sa bansa, ito ay nagbibigay karapatan din sa mga Pilipino na makatanggap ng immediate medical treatment sakaling sila ay nasa ibang bansa sa Europa sa kanilang short stay (halimbawa bakasyon) dito. Dahil sa Italya ang Tessera Europea di Assicurazione Malattia (TEAM) o European Health Insurance Card (EHIC) ay kasama na sa tessera sanitaria (maliban sa ilang piling sitwasyon). Ito ay makikitang nakasulat sa likod ng tessera sanitaria.

Kung kayat ipinapayo sa lahat ng mga Pilipino na ugaliing dalhin ang European Health Insurance Card (EHIC) o Tessera Europea di Assicurazione Malattia (TEAM). Ang tessera sanitaria na ito ay nagsisilbing pisikal na patunay na insured sa ibang bansa ng EU.

Kung hindi dala ang tessera sanitaria, may karapatan pa ring makatanggap ng health assistance, ngunit maaaring kailanganing magbayad at hingin na lamang ang reimbursement pagbalik sa Italya.

Mga limitasyon ng Tessera Europea di Assicurazione Malattia (TEAM) o European Health Insurance Card (EHIC)

Bagaman may health coverage ang mga Pilipino sa ibang bansa sa Europa, may limitasyon ang paggamit ng Tessera Europea di Assicurazione Malattia (TEAM) o European Health Insurance Card (EHIC).

  • Ang mga Pilipino at non-EU nationals ay hindi maaaring gamitin ang TEAM card para sa medical treatment sa Denmark, Iceland, Liechtenstein, Norway, at Switzerland, maliban na lamang kung sila ay mga refugee na naninirahan sa isang EU state member o sila ay covered bilang mga kapamilya ng isang European.
  • Hindi covered ng TEAM card ang rescue operations at repatriation. Kung nais ng repatriation coverage dahil sa aksidente o matinding sakit habang nasa ibang bansa ng EU ay kakailanganin ang isang espesyal na insurance coverage.
  • Hindi rin covered ng TEAM card ang mga private health care services.
  • Hindi rin covered ng TEAM card ang mga scheduled treatment sa ibang bansa ng EU.

Mayroon bang list ng mga medical check-ups and services na sakop ng TEAM card? 

Wala. Sakop lamang ng European Health Insurance Card o TEAM card ang mga immediate medical care at treatment na hindi maaaring ipagpaliban hanggang sa makabalik sa Italya mula sa ibang bansa ng EU.

Paano malalaman kung ang medical treatment ay kailangang gawin agad?  

Ang doktor o sinumang health care provider, batay sa kalagayan at haba ng pananatili, ang magpapasya kung ang treatment ay kinakailangang gawin agad at hindi maaaring ipagpaliban hanggang sa makauwi sa Italya.

Source: Ministero della Salute

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3.5]

Bonus Natale, paano matatanggap ng mga colf at caregivers?

Bayanihan sa Bologna Matapos Masalanta ng Flash Flood