Nag-aplay ako sa Regularization at wala pa akong tessera sanitaria hanggang ngayon. Kailangan ko bang hintayin muna ang paglabas ng aking permesso di soggiorno? Paano ako magkakaroon ng tessera sanitaria?
Kahit na naitala ang ilang kaso ng pagtanggi sa pag-iisyu ng tessera sanitaria sa mga dayuhang naghihintay ng resulta ng Regularization, mahalagang malaman na karapatan ng mga dayuhang mamamayan, Europeans at hindi, ang pagkakaroon ng health coverage sa panahon ng proseso ng Regularization o Emersione.
Sa katunayan, nilinaw ng Ministry of Health sa pamamagitan ng isang Circular noon July 14, 2020, na kikilalanin ang karapatan sa health assistance sa mga dayuhang mamamayan na nag-aplay ng Regularization o Emersione, sa pamamagitan ng pagpapatala sa SSN o Servizio Sanitario Nazionale, na magsisimula sa araw ng pagsusumite ng aplikasyon ng Regularization o sa releasing ng permesso di soggiorno temporaneo.
Samakatwid, ay kailangang ibigay ng ASL ang isang tessera sanitaria provvisoria na may bisa hanggang sa magtapos ang proseso ng Regularization at hanggang sa releasing ng permesso di lavoro per lavoro o attesa occupazione sa ilang kaso.
Gayunpaman, mahalagang malaman na ang health card na ito, ay hindi katulad ng TEAM (Tessera Europea Assicurazione Malattia) na iniisyu sa mga regular na dayuhan, dahil ito ay nagbibigay ng health coverage sa Italya lamang.
Samakatwid, sa sandaling magkaroon ng permesso di soggiorno ay maaaring mag-aplay ng tessera sanitaria TEAM, na nagbibigay karapatang matanggap ang parehong health assistance kahit sa ibang bansa sa Europa.
Narito ang dokumentasyon na dapat ihanda upang magkaroon ng tessera sanitaria provissoria:
- pasaporte o katumbas na dokumento;
- sa kaso ng aplikasyon ng permesso di soggiorno temporaneo, isang kopya ng expired na permesso di soggiorno bago ang 31.10.2019;
- resibo ng aplikasyon ng Regularization o Emersione;
- Codice fiscale mula sa Agenzia dell’Entrate matapos ang magsumite ng aplikasyon.
ni: Atty. Federica Merlo, para sa Stranieriinitalia.it
Basahin din:
- Naghihintay ng Regularization, maaari bang magpabakuna kontra Covid19 sa Italya?
- Naghihintay ng Regularization, maaari bang mag-trabaho sa bagong employer?
- Ang mga karapatan ng dayuhang naghihintay sa resulta ng Regularization. Ang FAQ mula sa eksperto.