Dahil kilala rin ang Tredicesima bilang Christmas bonus, inaasahan ng maraming colf ang pagtanggap nito bago sumapit ang Pasko.
Una sa lahat ay dapat malinaw kung hanggang kailan ibinibigay ang tredicesima. Bagaman nasasaad ang pagbibigay nito sa CCNL sa domestic job, ay wala itong eksaktong petsa.
Kung sa ilang national contract ay nasasaad ang petsa – halimbawa sa Business CCNL ay nasasaad na dapat itong ibigay hanggang Dec 24, sa iba naman ay nasasaad ang pagbibigay nito sa buwan ng Disyembre.
Partikular, Nasasaad sa artikulo 37 ng CCNL sa domestic job, “Sa pagsapit ng Kapaskuhan, o hanggang bago matapos ang taon, ay karapatan ng worker ang makatanggap ng isang buwang karagdagang sahod”.
Tandaan na ang pagkaka-antala sa pagbibigay nito ay walang anumang parusa. Ngunit matapos ang palugit, ang employer ay maaaring bigyan ng multa, bukod pa sa halaga na dapat ibigay at interes ng pagka-antala nito.
Narito ang dapat gawin kung ang tredicesima ay hindi natanggap
Una sa lahat, ay ipinapayong magpadala ng registered mail sa employer kung saan ipina-follow up ang 13th month pay. Sa kasong walang resulta ang unang aksyon, ay maaaring lumapit sa kinasasakupang Direzione territorial del lavoro.
Sa pamamagitan ng reklamo sa hindi pagtanggap ng 13th month pay, ang Direzione territoriale del lavoro ay tatawagan ang employer at susubukang i-areglo ang dalawang partes.
Kung hindi pa rin magtagumpay sa ikalawang pagkakataon, ay ipinapayo ang lumapit sa isang abugado para sa pagsusumite ng decreto ingiuntivo sa hukuman. Ang hukom, matapos ang pagsusuri ay magpapadala ng komunikasyon sa employer upang ibigay ang tredicesima sa loob ng 40 araw.
Ito ay may dalawang posibleng resulta: ang ibibigay ng employer sa palugit na panahon ang tredicesima o ang paglaban sa reklamo ng colf. (PGA)