Maaaring mag-aplay para sa nulla osta o work permit sa sektor ng autotrasporto merci o truck drivers ang mga dayuhang mayroong professional driver’s license (katumbas ng mga EC driver’s license) mula sa isa sa mga bansang tinutukoy sa artikulo 3, talata 1, titik a ng Decreto flussi at ang mga ito maaaring i-convert sa Italya.
Samakatwid, tanging ang mga mamamayan ng mga bansang may kasunduan lamang sa Italya ang pinahihintulutan ang conversion ng driver’s license ang maaaring makapag-aplay. Ang mga bansang ito ay ang mga sumusunod: Albania, Algeria, Morocco, Moldova, Republic of North Macedonia, Tunisia at Ukraine. Sa kasamaaang palad ay hindi kasama ang Pilipinas sa sektor ng transportasyon.
Gayunpaman, ang Pilipinas ay kasama sa ibang sektor na napapaloob sa Decreto Flussi 2023..
Sa sandaling makapasok sa Italya ang mga non-EU truck drivers ay maaaring makapagmaneho gamit ang non-EU license, sa pangalan ng kumpanyang nagsasagawa ng transportasyon hanggang sa isang taon hanggang sa magkaroon ng residency sa Italya. Pagkatapos ng deadline na ito, kakailanganin na ang i-convert ang lisensya.
Ang panahon ng validity ng employment contract, na tempo determinato, ay hanggang isang taon. (Atty. Federica Merlo)
Basahin din:
- March 27, ang click day ng Decreto Flussi 2023
- Decreto Flussi: Anu-ano ang mga hakbang at mga pagbabago simula ngayong taon?
- Decreto Flussi 2023:Ano ang dapat gawin ng employer bago magpadala ng aplikasyon ng nulla osta?
- Decreto Flussi 2023: Ano ang Autocertificazione ng ‘non-availability of workers’ sa Italya?