Magandang araw po sa inyo. Ang aking kaibigang Pilipina ay matagal ng nasa Italya mayroong regular permit to stay. Sya po ay disable na ngayon. Maaari ba syang mag-aplay ng invalidità civile at makatanggap ng mga tulong nito?
Roma – Hulyo 30, 2012 – Ang pagkilala sa kapansanan bilang invalido civile ay dumadaan sa pagsusuri ng isang medical committee para sa mga pisikal, kaisipan at pandamang limitasyon ng may kapansanan. Ang mga limitasyong ito ay ipinagkakaloob matapos ang mga pagsusuri at nakakaapekto ang antas o percentage ng pagiging disable sa pinansyal na tulong buhat sa invalidità civile.
Ang application ay dapat na isinumite online sa pamamagitan ng website www.inps.it. Upang maisumite ang aplikasyon ay kakailanganin ang pagkakaroon ng PIN code na hinihiling mula sa tanggapan ng Social Security.
Ang pagkakaroon ng pinansiyal na tulong sa pamamagitan ng invalidità civile ng mga non-EU nationals matapos kilalanin ang kapansanan (o ng invalidità civile), ay ipinapaalala na ang Constitutional Court ay nagbigay ng maraming pagbabago sa batas.
Partikular, bago ang mga pagbabagong ito ng Korte, upang makatanggap ng pinansyal na tulong ay dapat na EC long term residence permit (o carta di soggiorno) holder ang dayuhan.
Sa pamamagitan ng Hukom ng mga batas, ang requirement na ito, sa mga nakaraang taon ay tinanggal. Dahil, sa katunayan, ibinibigay ang pinansyal na tulong sa mga may kapansanan at naglalayong suportahan ito sa pangunahing pangangailangan at mapangalagaan sa pamamagitan ng mga karapatan tulad ng karapatan sa kalusugan. Ang anumang pagkakaiba ng pagtingin sa pagitan ng mga mamamayang Italyano at dayuhang legal na nakatira sa bansa, batay sa mga requisites ukol sa kondisyon ay itinuturing na labag sa Artikulo 14 ng European convention ukol sa Human Rights (kung saan ay ipinagbabawal ng diskriminasyon).
Nagmula dito ang pahayag na unconstitutional ang kautusan ng pagkakaroon ng carta di soggiorno upang makatanggap ng buwanang pinansyal na tulong ng invalidità civile (Corte Costituzionale sentenza n. 128 del maggio 2010). Ukol naman sa benepisyo ng kasama (o katulong ng may kapansanan) at ang pensyon ng may kapansanan ay inilabas din ang dalawang pang mga hatol (sentenza n. 306 del 2008 e sentenza n. 11 del 2009).
Mayroong ilang kalalabas lamang na mga hatol ang nagsasaad ng pagkilala sa karapatan maging sa mga permit to stay holder. Ang posibilidad na mag-aplay para sa pinansyal na tulong buhat sa invalidità civile, sa pagkakaroon ng mga requisites (mataas na percentage ng disability, kinilalang kakulangan ng kapasidad upang magtrabaho, mababang kita) ay maaaring, samakatwid, ibilang kahit mga non-EU nationals na bahagi ng lipunan kahit permit to stay holder lamang.
Paano at Kailan
Ang mga halaga ng tulong pinansyal mula sa pagkilala ng ivalidità civile, ay itinatakda ng batas taun taon at ipinagkakaloob sa pagkakaroon ng lahat ng mga requirements na itinakda rin ng batas, simula sa unang araw matapos i-file ang application.