in

Turista, maaari bang mag-aplay ng permesso di soggiorno per lavoro?

Magandang umaga. Ako ay dumating sa Italya bilang isang turista halos 3 buwan na at ako ay nakakuha ng trabaho. Maaari ba akong mag-aplay  ng permesso di soggiorno per lavoro sa Questura?

Ang mga non-EU nationals na dumadating at naninirahan ng pansamantala bilang turista sa Italya ay hindi maaaring mag-trabaho sa bansang Italya at samakatwid ay hindi maaaring mag-aplay ng permesso di soggiorno per lavoro.

Ang mga non-EU nationals na nagnanais makapasok sa Italya para mag-trabaho ay kailangang mayroong visto d’ingresso per lavoro subordinato (entry visa for subordinate job). Bago magkaroon  ng nasabing dokumento ay kailangang sumailalim sa isang angkop na proseso  upang magkaroon ng “nulla osta al lavoro subordinato” buhat sa Sportello Unico per Immigrazione. Ang working permit o nulla osta al lavoro subordinato ay maaaring hingin sa pamamagitan ng Decreto Flussi o Influx na taon nang hindi naglalabas ang gobyerno.

Sa pamamagitan ng Influx o Direct Hire o Decretto flussi ay itinatakda ang pagbibigay ng bilang o quota ng mga magta-trabahong dayuhan sa Italya buhat sa kanilang sariling bansa kung saan  ang isang employer, italyano man o dayuhan na regular na residente sa Italya ay maaaring mag-aplay. Ito ay karaniwang ipinatutupad ng gobyerno batay sa pangangailangan ng labor market ng bansa.

Ang aplikasyon na ipinadala sa pamamagitan ng online system ay nominative o ang aplikasyon ay batay sa pangalan ng employer at worker. Ito ay dahil ang aplikasyon na tinatanggap ay dapat na naglalarawan ng lahat ng mga kundisyon na kakailanganin kung hindi, ang aplikasyon ay tatanggihan dahil sa kakulangan ng kahit na 1 lamang na required data.

–  Employer: dapat ipakita ang sapat na sahod na magpapahintulot upang suportahan ang mga bayarin tulad ng sahod at kontribusyon kaugnay sa hiring ng worker.

– Worker: dapat na residente sa ibang bansa o hindi nahatulan sa Italya o sa loob ng Schengen area ng anumang krimen ukol sa illegal immigration, prostitusyon o anumang ipinagbabawal na gamot pati na rin ang ibang krimen tulad ng pagnanakaw, pangingikil, atbp.. Hindi rin dapat naka-tanggap ng order of deportation sa anumang bansa ng Schengen.

– Kundisyon sa Trabaho: ang haba ng oras ng trabaho ay hindi dapat mas mababa sa 20 hrs per wk at dapat siguraduhin ang pagbibigay ng minimum wage katumbas ng halaga ng social benefit.

Sa kaso kung saan ang dayuhang manggagawa ay regular ng naninirahan sa Italya, o mayroon ng regular na permit to stay na nagpapahintulot upang magtrabaho sa bansa (lavoro, familiare, studio, asilo poltico, umanitario, assistenza minori o attesa occupazione), ay maaaring i-empleyo ng hindi kakailanganin ang visto al lavoro subordinato upang magtrabaho sa Italya.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Hindi pagkaka-unawaan ng employer at colf ukol sa ferie? Narito ang isang gabay

18 anyos ngunit hindi ipinanganak sa Italya, paano na ang permit to stay?