in

Turista sa Italya, kailangan ba ng permit to stay?

Ako ay isang buwang nasa Italya bilang turista. Mayroon akong entry visa ngunit ano ang dapat kong gawin pag nakarating na ako sa Italya?

 

 Roma, Marso 11, 2016 – Ang permit to stay ay hindi kinakailangan para sa panandaliang pananatili o short stay sa bansa na hindi lalampas sa tatlong buwan, tulad ng pag-aaral, negosyo o turismo. Sa sinumang darating sa Italya, gayunpaman, ay kailangang gumawa ng “dichiarazione di presenza” o deklarasyon ng presensya.

Ang proseso ay nag-iiba batay sa bansang pinagmulan, kailan dumating sa bansa at kung saan mananatili habang nasa Italya.

Ang sinumang papasok sa Italya mula sa bansang hindi kabilang sa Schengen ay kailangang pa-timbruhan ang pasaporte sa Immigration police. Ang simpleng pormalidad na ito ay katumbas ng “dihiarazione di presenza” at samaktwid ang sinumang mayroong timbro ay hindi na kailangang gumawa pa ng anumang komunikasyon sa awtoridad.

Samantala, ang mga dayuhang papasok mula Schengen countries, halimbawa para sa isang Europe tour, ay kailangang gawin ang deklarasayong nabanggit sa Questura o himpilan ng pulis sa loob ng walong (8) araw matapos makapasok ng bansa.

Paano?

Ang mananatili sa hotel, bed & breakfast, camping site ay gagawin ang deklarasyon sa pamamagitan ng pagre-register ng sariling datos sa operator o receptionaist na magpapadala naman sa Questura. Mahalagang magtabi ng isang kopya ng registration. Ang hindi naman tutuloy sa mga istrukturang nabanggit, halimbawa ay manunuluyan sa kamag-anak o kaibigan ay kailangang gawin sa loob ng walong (8) araw ang deklarasyon sa Questura sa pamamagitan ng isang form, dichiarazione di presenza. Ipinapayo ang magtabi ng isang kopya nito.

Sa kaso ng kontrol ng awtoridad at walang maipapakitang deklarasyon o timbro sa pasaporte o form ng Questura ay bibigyan ng deportation. Parehong parusa sa sinumang mananatili matapos ang validity ng entry visa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Civil Service, bukas na rin para sa mga kabataang dayuhan

Young learners of English Week-end program, pinarangalan