Ako ay isang undocumented. Ang aking kasintahan ay isang Italian at nais naming magpakasal. Ano ang aming dapat gawin?
Nasasaad sa artikulo 116 ng Civil Code ng Italya, ang kasal sa bansa sa pagitan ng dalawang dayuhan o sa pagitan ng isang dayuhan at isang italyano, ay hindi nangangailangan ng pagkakaroon ng permit to stay para magpakasal.
Gayunpaman, ang dayuhan ay nararapat na walang hadlang (tulad ng mamamayang Italyano tulad ng pagiging kasal na) at nagtataglay ng mga kinakailangang dokumento na isusumite sa Comune.
Una sa lahat, ang dayuhan ay kailangang mag-aplay ng Certificate of No Objection o Nulla Osta. Ito ay isang deklarasyon buhat sa Embahada o Konsulado. Ito ay kailangan ring dalhin sa Prefettura para sa legalization. Matapos ang prosedura na ito, ang magkasintahan ay maaaring magpunta sa Comune upang gawin ang buong proseso para sa isang regular na kasal, kabilang ang request of publication at paghihintay ng 11 araw para sa kasal.
Ang dayuhan na undocumented, matapos ikasal sa isang mamamayang Italyano, ay hindi maaaring mapatalsik mula sa Italya at may karapatang makatanggap ng permit to stay, batay sa artikulo 19, talata 2, letra C, D.Lgs n. 286/1998) partikular ang pagbibigay dito ng Carta di soggiorno di un familiare di un cittadino dell’UE (D.Lgs. n. 30/2007)
Para magkaroon nito, ang dalawa ay kailangang magtungo sa Questura, Ufficio Immigrazione, makalipas ang kasal. Hindi na kakailanganin ang kit postale dahil ang Ministry of Interior ay ibinigay sa Questura ang esklusibong pagsusuri sa aplikasyon para sa releasing at renewal ng mga carte di soggiorno per familiari UE.
Sa request ng Carta di Soggiorno ay kailangang ilakip ang mga sumusunod:
- revenue stamp na nagkakahalaga ng € 16.00
- 4 na passport ID
- kopya ng pasaporte ng dayuhan
- kopya ng marriage certificate
- Dichiarazione di presa a carico mula sa asawang Italyano para sa asawang dayuhan lakip ang kopya ng dokumento.
Ang Questura, pagkatapos ng request, ay gagawin ang kinakailangang pagsusuri, kabilang ang address na ibinigay upang mapatunayan ang regular na pagsasama ng mag-asawa.
Ang “Carta di soggiorno di un familiare di un cittadino dell’UE”, ay nagpapahintulot sa may-ari nito na gawin ang anumang nais na aktibidad, magpatala sa National Health Service o SSN at karaniwang nagbibigay karapatan tulad ng mamamayang Italyano.
Ito ay renewable habang nagsasama bilang mag-asawa at sa kaso ng paghihiwalay o kamatayan ng asawang Italyano, ang dayuhan ay mapananatili ang karapatang manatili sa bansa sa pagkakaroon ng ilang kundisyon, tulad ng tuluy-tuloy na pananatili ng limang taon sa bansa (batay sa artikulo 12 ng D.Lgs 30/2007).
Ngunit kung ang dayuhan ay hindi makatugon sa kundisyon upang mapanatili ang pagkakaroon ng carta di soggiorno, ito ay maaaring i-convert sa permesso per lavoro autonomo, subordinato o studio sa pagkakaroon ng mga requirements na hinihingi ng mga nabanggit na uri ng permit to stay tulad ng pagkakaroon ng contratto di lavoro o pagpasok sa isang kurso