Ang mga dayuhang ‘undocumented’ o hindi regular sa mga alituntunin ang pagpasok sa bansa at walang permit to stay ay may karapatan sa pangangalagang pang-kalusugan at malampatan ng lunas na kinakailangan. Maaaring mabigyan ng medical card o tessera sanitaria na tinatawag na STP.
Ang STP (o Straniero Temporaneamente Presente) ay literal na nangangahulugang ang dayuhan ay pansamantala o kasalukuyang nasa bansang Italya. Ito ay ang uri ng medical card na ipinagkakaloob sa mga dayuhang walang permit to stay. Ang mga prescription at pagtatala ng mga serbisyong pang kalusugan ay ginagawa sa pamamagitan ng isang regional code STP, ng ISTAT identifier code ng pampublikong pasilidad sa kalusugan na nag-issue, at ng isang sequence number na nakatalaga naman sa pagiisyu nito.
Ang STP code ay kinikilala sa buong bansa at kumakatawan sa nagmamay-ari nito sa lahat ng uri medical check-ups, emergencies sa mga ospital, sa mga pangunahin at follow-up check-ups para sa sakit at karamdaman (at maging pinsala) sa pampublikong pasilidad o conventional private clinic man.Ito rin ang ginagamit sa pagbibigay ng mga kinakailangang riseta mula sa mga conventional na botika.
Sa pamamagitan ng S.T.P.card na ipinagkakaloob sa alinmang tanggapan ng ASL, balido ng anim na buwan at renewable, ay maaaring tanggapin ang mga sumusunod:
– Pangunahing pangangalaga sa kalusugan
- Emergencies, hospitalizations at pagiging out-patient
- medical check-ups sa mga clinic at ospital, pangunahin at madaliang serbisyong pangkalusugan at maging follow-up check-ups
– maresetahan sa mga kinakailangang gamot
Upang magkaroon ng STP ay kinakailangang ihayag ang mga sumusunod:
– Personal datas
- Deklarasyon ng walang sapat na mapagkukunang pinansyal
Maaari ring ipagkaloob ang STP card nang hindi nasasaad ang pangalan at apelyido kung nanaisin ng nag-aaplay nito.
Ang komunikasyon sa Ministry of Interior ukol sa refund ng anumang serbisyong ipinagkaloob sa dayuhan ay sa pamamagitan ng card, kasama ang naging diagnosis, ang uri ng medical check-up at ang halaga ng naging serbisyo sa dayuhan ng hindi nasasaad ang pangalan at apelyido ng dayuhan.
Samakatuwid ay walang pagrereport sa awtoridad ng anumang personal datas ng dayuhan.Ngunit laging tatandaan nasa ilang mga kaso tulad ng sa kaayusan at ibang mabigat na dahilan na may kinalaman sa batas, ang Public Authority ay maaaring kumuha ng medical reports, tulad ng nangyayari sa mga mamamayang Italyano.
Maaaring magkaroon ng maliit na kabayaran o ang pagbabayad ng ticket sa mga serbisyo, ayon sa deklarasyon na ginagawa sa paghingi ng STP code. Ito ay nasasaad sa application form kung saan matatagpuang nakalakip din ang Circular n. 5/2000 ng 24/03/2000.