in

Unemployment benefit sa Italya, patuloy bang matatanggap sa pagpunta sa ibang bansa?

Unemployment benefit sa Italya, patuloy bang matatanggap sa pagpunta sa ibang bansa?

Ang tumatanggap ng unemployment benefit sa Italya: Italyano, Europeo, non-European o Pilipino man ay maaaring magpunta sa ibang bansa para maghanap ng trabaho, o kahit para sa ibang motibo, habang tumatanggap ng benepisyo.

Tulad ng paglilinaw ng INPS sa Circular 177 ng Nobyembre 28, 2017, ay binigyang-diin na upang magpatuloy na matanggap ang unemployment benefit, ay kinakailangang magbigay komunikasyon ng availability (disponibilità), sa pamamagitan ng pagpapatala sa Centro per l’Impiego, paglahok sa iba’t ibang work reintegration at requalification programs. 

Tanging ang mga magpupunta sa ibang bansa ng Europa, ang hindi obligadong gawin ang obligasyong ito sa unang tatlong buwan.

Ang paglabag sa obligasyong ito (sa kaso ng paglipat sa ibang bansa ng EU na nagsisimula mula sa ika-apat na buwan) ay nasasaad: ang pagbabawas sa halaga ng benepisyo at pagtatangal ng benepisyo mismo, sa kaso ng paglabag sa higit sa isang obligasyon tulad ng pagre-report sa Centro per l’Impiego o ang paglahok sa mga iminungkahing aktibidad.

Ano ang dapat gawin bago at pagkatapos magpunta sa ibang bansa?

Upang hindi mawala ang benepisyo, ay kinakailangang gawin ang ilang hakbang sa Italya at sa bansang lilipatan o pupuntahan.

Bago umalis ay dapat gawin ang mga sumusunod:

  • Dapat na nakarehistro ng hindi bababa sa 4 na linggo sa lista di disoccupazione;
  • Ipaalam ang unavailability sa Centro per l’Impiego, dahil sa pagpunta sa ibang bansa;
  • Hilingin sa INPS ang dokumento na U2 (na nagpapatunay sa pagpapanatili sa karapatang matanggap ang benepisyo.

Sa bansang pupuntahan o lilipatan ay dapat ding gawin ang sumusunod:

  • Magpatala sa loob ng pitong (7) araw bilang isang naghahanap ng trabaho;
  • Isumite ang document U2 na nagpapatunay ng karapatan sa pagtanggap ne benepisyo. 

(ni: Atty. Federica Merlo, para sa Stranieriinitalia

Kailangan ba ng legal advice ukol sa aplikasyon sa Italian Citizenship, renewal ng permesso di soggiorno o impormasyon ukol sa ricongiungimento familiare? I-click lang ang: https://migreat.com

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Buong Italya, zona gialla na simula May 24

Ako ay Pilipino

Obligasyong mag-suot ng mask sa outdoor, kailan tatanggalin?