in

Voucher, magpapawalang-bisa sa unemployment allowance o Naspi?

Magandang araw po. Ako ay tinanggal sa trabaho 3 buwan na ang nakakaraan. Tumatanggap ako ng unemployment allowance o Naspi. May trabaho ngayon, gardener at ako ay babayaran ng ‘buoni’ o ‘voucher’. Ito ba ay magpapawalang-bisa sa tinatanggap kong unemployment allowance? 

 

Roma, Abril 15, 2016 – Pinahihintulutan ang makapag-trabaho ng ‘accessorio’ sa panahon ng ‘disoccupazione’ ng hindi apektado ang pagtanggap ng benepisyo dahil ang lavoro accessorio ay mayroong sahod na tinatawag na vouchers o buoni lavoro na hindi nangangailangan ng employment contract bilang subordinate worker.  

Ngunit kailangang maging maingat dahil kung tumatanggap ng benepisyo, ang limitasyong dapat matanggap sa pagkakaroon ng lavoro accessorio para sa 1 taon (Enero 1 – Disyembre 31) ay 4,000 euros (gross) at 3,000 (net). 

Kung ang matatanggap na kabayaran para sa lavoro accessorio ay lumampas sa itinakdang limitasyon o 3,000 net hanggang 7,000 net, ay babawasan ng INPS hanggang 80% ang halaga ng unemployment allowance sa panahon ng pagtanggap nito.

Sa katunayan, sa kasalukuyang batas ay nasasaad na ang sinumang tumatanggap ng allowance ay kailangang ipagbigay-alam sa Inps sa loob ng isang buwan mula ng simulan ang lavoro accessorio o kung ito ay sinimulan bago pa man isumite ang aplikasyon para sa disoccupazione ay kailangang tukuyin ang halaga ng natanggap na voucher. 

Karaniwang ang sinumang mayroong ganitong uri ng trabaho ay hindi maaaring lumampas ang halagang natatanggap sa 9,333 (gross at 7,000 net) mula sa isa o higit pang trabaho. Samantala kung tumutukoy naman sa businessman at mga self-employed, ang limitasyon ng halaga buhat sa isang trabaho ay 2,693 (gross o 2,020 net) ngunit ang kabuuang halaga sa isang taon ay nananatiling 9.333 (gross o 7000 net) para sa lahat ng trabaho. 

Mahalagang linawin na sa pagtanggap ng voucher ay garantisado rin ang insurance coverage ng Inail at ang social security coverage ng INPS, ngunit hindi nagbibigay karapatan sa mga benepisyong (a sostengo del reddito) buhat sa Inps tulad ng unemployment allowance, maternity, pagkakasakit, family allowance at iba pa ngunit kinikilala naman sa pagtanggap ng pensyon. Ito ay nangangahulugan na matapos ang trabaho ng ‘accessorio’, ang worker ay hindi maaaring mag-aplay para sa unemployment allowance. 

Sa ganitong uri ng trabaho gayunpaman, ay kinakailangan pa rin ang pagkakaroon ng balidong permit to stay na magpapahintulot sa trabaho tulad ng permesso per motivo di lavoro, familiari, studio at attesa occupazione.

Maaari ring mag-aplay ng renewal ng permit to stay kung ganito ang uri ng trabaho. At kung mayroong dependent ay mahalagang malaman na ang vocuhers ay maaaring idagdag sa ibang uri ng sahod upang maabot ang halagang hinihingi ng batas para sa renewal ng permit to stay ng aplikante at ng kanyang dependents. At bilang pagtatapos, sa natatanggap na ‘vouchers’ bilang sahod ay walang ipapataw na buwis

 

ni: D.ssa Maria Elena Arguello

isinalis sa tagalog ni: PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Scholarship para sa mga dayuhang mag-aaral, mga huling araw ng aplikasyon

Iscrizione anagrafica, ano ito at bakit ito mahalaga