in

Walang permit to stay, ano ang mangyayari sa pagbibigay ng maling pangalan sa pulisya?

Wala akong permit to stay sa Italya at nabigyan ako ng order of expulsion ng pulisya kung saan ako gumamit ng maling pangalan. Maaari ba itong maging problema sa hinaharap?


 

Hulyo 8, 2015 – Ang pagbibigay ng huwad na identidad o pangalan, katangian at iba pa, sa isang pampublikong opisyal o empleyado sa isang pampublikong tanggapan ay isang krimen sa ilalim ng artikulo 496 ng Penal code at pinaparusahan ng pagkakakulong mula 1 hanggang 5 taon.

 
Partikular, ang artikulong nabanggit ay tumutukoy sa verbal at written interrogation ukol sa personal na pagkakakilanlan, at samakatwid, maging sa pamamagitan ng pagsagot sa angkop na form o questionnaire sa mga pampublikong tanggapan kung saan nabibilang ang opisyal o ang responsabile sa pampublikong serbisyo. Ang sitwasyon ay nagigng malala kung bukod sa maling identidad, ang dayuhan ay nagbigay din ng huwad na dokumento (tulad ng pasaporte) sa oras ng pagkilala dito.

Sa pagkakataong ang Batas sa Imigrasyon ay hindi pahintulutan sa pananatili sa Italya ang mga dayuhan dahil sa walang balidong dokumentasyon na magpapahintulot sa regular na paninirahan, ay mabibigyan ang dayuhan ng order of expulsion. Nasasaad rin na ang dayuhan ay sasailalim sa fingerprint. Ito ay nangangahulugan na bukod sa pangalan, sa database ng awtoridad ay nananatili ang fingerprint ng dayuhan.

Ano ang mangyayari kung ang dayuhan na may expulsion gamit ang pekeng pangalan ay magkaroon ng balidong nulla osta o awtorisasyon at makarating sa Italya sa pamamagitan ng direct hire?
 
Sa kasong ang dayuhan ay magkroon ng balidong awtorisasyon sa trabaho, (nulla osta) na regular na ibinigay ng Sportello Unico per l’Immigrazione gamit ang totoong pangalan at nakapasok ng regular matapos magkaroon ng entry visa para sa trabaho, ang totoong problema ay matatagpuan sa releasing ng permit to stay.
 
Sa kasong ito, ang problema ay nasa awtorisasyon sa trabaho na ipinagkaloob sa dayuhan sa ‘huwad’ na kundisyon. Ang employer ay malayo sa panganib samantalang ang dayuhan ay haharap sa isang krimen dahil sa paghahayag ng maling impormasyon sa pampublikong opisyales  at nanganganib ng pagkakasala ng false identity. Sa katunayan, sa proseso ng releasing ng nulla osta buhat sa Sportello Unico per l’Immigrazione, ang Questura ay hindi dapat nagbigay ng positibong opinyon ukol sa pagpasok ng dayuhang pinatalsik (kung ang dayuhang manggagawa ay ibinigay ang kanyang totoong pangalan) at ang dayuhan ay hinid dapat nagkaroon ng  entry visa.

Kapag napatunayan ng Questura ang natanggap na expulsion ng dayuhan bukod pa sa krimen na nabanggit, marahil ay magpapalabas ng isang desisyon ukol sa hindi pagre-release ng permit to stay para sa trabaho at magkakaroon rin ng paglilitis na maghahatid sa isang sentensya (o hatol) o marahil ang pagpapawalang-sala.

 

Atty. Mascia Salvatore

isinalin sa tagalog ni Pia Gonzalez-Abucay
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta di soggiorno pinawawalang-bisa dahil walang trabaho, di aprubado sa Hukom

Naturalized Italian citizen, kailan mamaging Italyano ang asawa?