in

Zona rossa, ang mga commercial activities na magbubukas sa publiko

Arancione scuro o arancione rafforzata, ito ang bagong kulay sa klasipikasyon ng sitwasyon ng covid19.

Ang Decreto Natale ay naglalagay sa bansa sa zona rossa sa Pasko at Bagong Taon. Partikular, ay isasailalim ang bansa sa zona rossa sa mga petsa ng  December 24, 25, 26, 27, 31 at January 1, 2, 3, 5 at 6

Basahin din:

Sa mga araw ng zona rossa ay sarado ang mga commercial activities na itinuturing na hindi mahalaga, bars at taurants. At mananatiling bukas lamang ang mga negosyo ng mga pangunahing pangangailangan. 

Narito ang listahan ng mga mananatiling bukas sa publiko sa mga araw ng zona rossa:

  1. Mananatiling bukas ang mga Ipermercati, supermercati, discount di alimentari, minimarket, at ibang tindahan ng mga pagkain. Bukas din ang nagbebenta ng frozen o prodotti surgelati at nagtitingi ng mga drinks;
  2. Bukas ang mga farmacie at parafarmacie, bilihan ng articoli medicinali at ortopedici at bilihan ng mga sanitation products;
  3. Magbubukas din ang mga tabacchi o cigarette shops pati na rin ang mga electronic cigarettes shops;
  4. Ang mga gasolinahan ay magpapatuloy sa kanilang serbisyo;
  5. Ang mga Agenzie funebre o funeral agencies ay mananatiling bukas;
  6. Bukas ang bilihan ng pet foods.

Narito ang mga shops na may pahintulot magbukas:

  • computer, gamit sa telecommunication, electronic device, mga appliances at accessories ng mga telepono;
  • libro, giornali, riviste, cartoleria at buffetti;
  • ferramenta at bilihan ng mga materiali da costruire;
  • gamit at accessories sa garden, mga halaman, fertilizer. 
  • lights at security system;
  • cosmetics, perfumes at herbal medicine o erboristeria. 
  • optical shops na bilihan ng reading glasses at sun glasses at accessories sa photography;
  • cleaning detergents;
  • laundries o lavanderie at tintorie (dry washing);
  • barbieri at parrucchiere o salon;
  •  damit, sapatos at gamit ng mga sanggol at bata;
  • bisikleta, sports article at mga gamit para sa tempo libero;
  • sasakyan o autoveicoli; motocicli at accessories ng mga nabanggit. Pati ang bilihan ng mga laruan ng mga bata;

Tandaan na kakailanganin ang Autocertificazione sa mga araw ng Zona Rossa.

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

zona rossa Italya Ako Ay Pilipino

Zona rossa: Ilang katao ang maaaring imbitahan sa sariling tahanan?

Autocertificazione paano sasagutan Ako ay Pilipino

Autocertificazione, narito kung paano ito sasagutan