Pagsasailalim sa zona rossa at zona arancione. Ito ang inanunsyo ni Giuseppe Conte noong Dec 18, bilang mga karagdagang anti-Covid19 preventive measures ng Decreto Natale.
Basahin din:
Ang unang inilathala ng Ako ay Pilipino ay batay sa Decreto ng Dec 3, o ang unang bahagi ng Decreto Natale. Dito ay walang nasasaad ukol sa pagbabawal kung ilang katao ang maaaring imbitahan sa sariling tahanan, Bagkus ay kinukumpirma lamang ang matinding rekomendasyong huwag tumanggap sa bahay ng mga bisita na hindi conviventi.
Basahin din:
Ang pagsasailalim sa zona rossa, ay nagbigay ng mas malinaw na alituntunin ukol sa bilang ng taong maaaring imbitahan. Ito ay nagbibigay sagot sa ating katanungan.
Sa katunayan, sa mga araw ng December 24, 25, 26, 27, 31 at January 1, 2, 3, 5 at 6 ay nasasaad sa DPCM noong Dec 18 ang:
Hanggang 2 katao ay may pahintulot ang bumisita sa bahay ng miyembro ng pamilya, kamag-anak o kaibigan, (kahit hindi convivente). Ito ay may pahintulot ng isang beses lamang sa maghapon. Ang mga mas bata sa 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang.
Tandaan na ihanda ang Autocertificazione.
(PGA)