in

SIGAW NG KALAYAAN

Mabuhay ang PILIPINAS, Bansang aking sinilangan
Bansang aking minamahal, Bansang aking Inang Bayan
Mabuhay ang PILIPINAS, na mayroong KALAYAAN
Sa tulong ng magigiting,na Bayani nitong bayan
 
Bilang isang mamayan,nitong bansang PILIPINAS
Malaya kong isisigaw, ang sa puso'y nagaalpas
Tayo ngayon ay magdiwang. Ang Bandila'y iwasiwas
Pagkat tayo'y malaya na, mula ngayon hanggang bukas
 
Oh kay sarap na isipin, na tayo ay nabubuhay
Sa bansang ang KALAYAAN, ay hawak sa ating kamay
Oh kay sarap na sabihin, oh kay sarap na isigaw
MABUHAY ANG PILIPINAS, na malayang gumagalaw
 
Oh bansa kong minamahal, kahit ako ay malayo
Hindi kita nalilimot, narito ka sa 'king puso
Ito'y iyong tatandaan, sayo ako'y mangangako
Sa iyo ko ibibigay, huling patak nitong dugo
 
Oh Bansa kong PILIPINAS, ika'y aking iniwanan
Upang ako ay maghanap, niyong bagong kapalaran
Pero ito'y tandaan mo, ika'y aking babalikan
Ang mabuhay sa piling mo, parang walang kamatayan
 
Ang amihang iyong dala, ay lagi kong hinahanap
Kahit ako ay malayo, ito'y aking nalalanghap
Ang matamis na awitin, na nagpalaya nang ganap
Ay narito sa puso ko, bawat nota'y nakatatak
 
Mapalad ka kaibigan, kung ikaw ay pilipino
Pagkat iyang iyong puso, may tatak na pilipino
Pilipino ka sa gawa, salita mo'y pilipino
Malaya kang makasigaw, na AKO AY PILIPINO
 
Ako'y Pilipino, sa isip at sa salita
Ako'y Pilipino, sa puso ko't aking diwa
Ang bayan ko'y PILIPINAS, isang bayan na dakila
Ito'y ating ipagbunyi, ikagalak, ikatuwa
 
Ang araw ng KALAYAN, ay hwag nating kaligtaan
Tayong lahat magkaisa, ito'y ating ipagdiwang
Ito'y ating salubungin, at malakas na isigaw
MABUHAY ANG PILIPINAS, ANG BAYAN KONG MINAMAHAL
 
by: Letty Manigbas Manalo
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

AGRIBUSINESS INVESTMENT FORUM, gaganapin sa Roma

Maikling panahon sa labas ng bansang Italya, hadlang sa carta di soggiorno?