in

Imigrante, hindi inaagawan ng trabaho ang mga Italians

Unskilled ang kanilang karaniwang trabaho, hindi dahilan ng pagtaas ng unemployment, kahit na ang pagbaba ng sahod ng mga Italians. Patuloy ang kanilang pagdami, at aabot sa 3 million sa taong 2020, ito ay ayon sa research ng Cnel-Ministry of Labor.

Roma – Nobyembre 20, 2012 – Walang kumpetisyon sa pagitan ng mga Italyano at mga dayuhang manggagawa. Sa mga susunod na taon, ang bilang ng mga employed na Italians ay mananatili ngunit ang bilang ng mga employed na imigrante ay patuloy ang pagtaas, kahit pa manatiling less- skilled ang propesyon ng mga ito.

Ito ay ayon sa “Il ruolo degli immigrati nel mercato del lavoro italiano”, o ang papel ng mga imigrante sa labor market sa Italya", sa pamamagitan ng CNEL at ng Ministries of Labour at Social Welfare, na iniulat kahapon sa Roma, na tumutok sa ‘economic assimilation’ ng mga dayuhan at ang epekto ng kanilang pananatili sa labor market ng bansa.

Pinatunayan na habang tumatagal ang panahon ng pananatili sa Italya, ay tumataas rin ang rate ng employment ng mga dayuhang manggagawa, habang bumababa naman ang rate ng unemployment. Walang naiulat na karagdagang pagpapahalaga sa kanila dahil patuloy ang kanilang pagta-trabaho sa mga sektor kung saan hindi kinakailangan ang taas ng kanilang pinag-aralan.  

Ang isang bahagi ng pananaliksik ay tinawag na “segregation” o “low economic assimilation” ng mga imigrante at dahil dito ay hindi makapasok sa kumpetisyon sa mga Italians. Ang kanilang presensya ay hindi na nakaka-impluwensya upang maging unemployed  ang isang Italian (ang job displacement), sa madaling salita, sa sinumang naghahayag ng kabaligtaran, ang mga datos ay naglalarawang “hindi inaagawan ng mga dayuhan ng trabaho ang mga Italians”.

Ang mga eksperto ay hindi naman nakakuha ng makabuluhang tugon sa pagsusuri kung ang mga imigrante ba ay impluwensya sa pagbaba ng sahod ng mga Italians. Para sa mga Italian employee, na nasa parehong kundisyon na maaaring maging sanhi ng antas ng sahod, sa isang lugar kung saan marami ang mga imigrante ay hindi isang disadvantage.

Isang pagtatantya ang isinasaalang-alang, na ang pananatili ng mga imigrante ay mayroong posibilidad na madagdagan sa bawat propesyon, dahil sa epekto ng pagtanda ng populasyon ng Italya sa working age. At dahil sa krisis sa ekonomiya, ang pagtaas na ito ay mas mababa kumpara sa mga nakaraang taon, ngunit mababawasan naman ang pagsasaisang-tabi ng pagpasok sa labor market maging ng second generation na nag-aral sa Italya.

Ang forecast? Sa pagitan ng 2010 at 2020 ang mga dayuhang manggagawa ay madadagdagan mula 2,1 hanggang 3 milyon, isang pagtaas ng 45%, samantala ang mga Italians ay bahagyang bababa mula sa 20,8 hanggang 20,7 million. Ang mga imigrante na tataas mula 9,1 sa 12,7 ng kabuuang bilang ng mga workers, ay magkakaroon ng less-skilled profession (kung saan magiging kalahati ng bilang ng mga employed) na syang papalit sa mga Italians, na ayon sa pagsusuri, ay magbibigay puwang sa mga skilled profession.

Il ruolo degli immigrati nel mercato del lavoro italiano

Scheda di sintesi

Slides di presentazione

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinag-aaralan ang bagong direct hire, ngunit tila hadlang ang bilang ng mga walang trabaho

Imigrante, hindi inaagawan ng trabaho ang mga Italians