Nangunguna ang bansang Italya sa Europa sa bilang ng mga nabakunahan laban Covid19 batay sa popolasyon. Ika-walo naman sa buong mundo. Ito ay ayon sa datos ng Our World in Data ng January 6, 2021.
Matatandaang unang ibinalita ng akoaypilipino.eu na mabagal ang pagbabakuna sa Italya sa kakulangan ng medical staff at mga hiringgilya. Ngunit makalipas lamang ang ilang araw, ay nalampasan ng Italya ang Germany sa bilis ng pagbabakuna.
Ang mga dato ng Our World in Data ay mula sa mga Ministries of Health ng iba’t ibang bansa. Ito ay batay sa bilang ng populasyon na nabakunahan na laban covid19.
Ang sampung nangungunang mga bansa sa ay ang sumusunod:
- Israel 17,14% ng populasyon;
- United Arab Emirates (8,35%),
- Bahrain (4,02%),
- United States (1,6%),
- Great Britain (1,39%),
- Denmark (1,09%),
- Russia (0,55%),
- Italy (0,51%),
- Germany (0,44%),
- Canada (0.43%).
Narito ang link ng Our World in Datas