in

Mga Kabataan, binigyang parangal sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma

13 mga kabataang Pilipino ang pinarangalan sa ginanap na pagdiriwang ng ika-120 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Roma.

Sa katunayan, ang selebrasyon ngayong taon ay hindi lamang palabas ng mga kulturang Pinoy ngunit pagbibigay halaga sa talentong Pinoy, partikular sa mga kabataan na hindi na maitatanggi ang pagkakaroon ng pangalan sa iba’t ibang larangan sa Italya dahil sa kanilang bukod tanging talino at talento.

Sila ay ang mga Natatanging Kabataang Pilipino na pinarangalan sa mahalagang araw ng paggunita ng Araw ng Kalayaan dahil sa kanilang pinatunayang husay, talino, talento at pagiging ehemplo. Sila ay tila gabay sa bagong henerasyon at ang kanilang yapak ang susundan ng mga mas nakababata sa kanila”, ayon kay Augge Cruz ang kasalukuyang presidente ng Philippine Independence Day Association o PIDA.

Kabilang sina May Kathrynne Castillo, Ma. Grazie Concepcion, Diego M. Glasso, Nicola M. Galasso, Melanne Joy Gascon, Melodee Jay Gascon, Ma. Janina Inojosa, Ma. Cristina Maliglig, Luke Joshua Manalili, Roma T. Pamplona, Leonardo Saguinsin sa mga pinarangalan ng PIDA at hinandugan ni H.E. Ambassador Domingo Nolasco ng Philippine Embassy Rome ng mga aklat na magpapayaman pa ng kanilang kaalaman ukol sa kulturang Pinoy.

Lubos rin ang ligaya ng mga magulang dahil bukod sa puhunan nilang luha at pawis, ay sinabayan ito ng pagsusumikap at dedikasyon sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

“Salamat sa PIDA sa pagbibigay halaga sa inyong kakayahang makatapos dito sa Italia, hindi lang ng aking anak kundi sa lahat ng mga Kabataang nag-angat ng kanilang kakayahan sa larangan ng kanilang pag-aaral dito sa Roma. Mabuhay ang mga Kabataan dito sa Italia!! Mabuhay ang PIDA”, ayon kay Jessie Ramirez, ang ama ni LeeJ Ramirez na nagtapos ng abugasya sa La Sapienza Roma nitong Hunyo 2018.

Ayon nga sa tema ngayong taong ito, “Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan” – isang masaganang kinabukasan na inilalaan para sa ating mga kabataang Pilipino saan mang sulok sa mundo.  Iyan ang lahing Pilipino! Malaya, talentado at yaman ng bansang PIlipinas na ipinagmamalaki sa buong mundo!

Kaugnay nito, ay nag-uumapaw sa kulay, tradisyon, pananampalataya, awitin at sayaw ang programa ng maghapon. Walang tulak kabigin kung talento at husay ang pag-uusapan.

Partikular ang ipinakita-gilas, lakas at husay ng Ikalawang henerasyon sa kanilang partikular na presentasyon. Muling naipamalas sa lahat ang yaman ng ating kultura buhat mismo ng mga kabataang magmamana nito. Samantala, nagpakita pa rin ng husay ang mga nauna ng nagbigay ng karangalan sa mga Pilipino sa Italya, sina Armand Curameng at Nizzil Jimenez.

Bukod dito, tulad ng inaabangan taun-taon, tampok ng pagdiriwang ang ipinamigay na 12 round trip tickets Rome- Manila-Rome ng ating mga paboritong airlines at travel agencies na talaga naming inaabangan ng ating mga kababayan. Naglulundag sa entablado ang bawat tawaging pangalan para tumanggap ng napalunang airline ticket.

Muli, naging matagumpay ang pagdiriwang, napanatili ang mapayapang selebrasyon hanggang iwanan ng malinis at maayos ng mga boluntaryo ang Sala Olimpia Ergiffe Palace Hotelna naging saksi ng muling paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Ang unang bahagi ng pagdiriwang ay ginanap sa Piazzale Manila, sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa ating pambansang bayani. Sinundan ito ng Thanksgiving Mass sa Basilica di Sta. Pudenziana Roma.

 

PGA

 

 

 

Taunan ang ginagawang pagpupugay ng mga Pilipino kay Gat Jose Rizal bilang dakilang Pilipinong nagbuwis ng kanyang buhay upang makamit ang ating kalayaan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ginunita sa Milan

1 ang patay at 4 ang sugatang Pinoy sa aksidente sa Milano