in ,

Mga Pinoy bumida sa magkahiwalay ng exhibit sa Paris France

Bumida muli ang mga kababayan natin sa isang fashion accessories at ibang mga kagamitan pambahay sa isang international competition sa magkahiwalay na exhibition sa Paris, France kamakailan.

Labing isang (11) kumpanya na mula pa sa Pilipinas ang lumahok sa tatlong magkakahiwalay na exhibition sa Paris: ang Maison and Object, Premiere Classe at Bijorhca / Eclat de Mode at ipinagmalaki  ang kanilang produktong gawang pinoy.

Walo dito ang lumahok sa Maison and Object na ipinagmalaki nila ang mga tribal handcarved images, handmade paper lamps, mga table top items, abaca rugs at carpets.

Maliban sa mga French nationals ay naroon din ang mga ibang lahi na humanga sa mga nilikha ng mga Pinoy gaya ng mga upuan, throw pillows, mga wall display na gawa sa rattan at abaca.

Isang distributor ang umangkat ng 11 footer container na handmade paper lamps sa unang araw pa lamang ng pagbubukas ng nasabing exhibition ayon kay Windy Añonuevo Senior Trade and Industry Development Specialist, Center for International Trade Expositions and Missions o CITEM.

What we can see is that they are very impressed how we present the Phillipines” ani Añonuevo.

Isang Italian distributor din ang bumili ng mga abaca handmade products mula pa sa Sorsogon at mga handcarved products.

Very nice quality and i like it”, wika naman ni Francesco.

Maliban sa mga home decors, hinangaan ng mga mga bisita ang mga outdoor furniture designs at mga decorative landscaping products na mula pa sa isang kumpanya galing Cavite.

Ayon kay Eng’r Evelyn Vedasto ito ang kanilang unang pagkakataon na lumahok sa ganitong international exhibition sa Europe at ipinagmamalaki niya na ang kanilang mga produkto ay madaling tangkilikin sa kadahilanan ay yari lang ito sa Pilipinas.

High-end bag, jewelries, wooden handmade necklaces at bangles ang ibinida din ng Pinoy sa Premiere Classe at Bijorhca sa Porte de Versailles Intenational Exhibition Center.

Ayon kay Michealle lubos na hinangaan ang mga handmade clutch bag na hinabi gamit ang ibat ibang kulay na sinulid, mga ispadrels at ethnic bags na gawa ng bagobo tribes at gayundin ang mga gold plated fashion rings na gawa naman sa Bulacan.

Sinabi niya na sa unang araw pa lang ay may mga buyers na siya na nagmula pa sa Spain, Middle East, Australia, Japan at mga malalaking department store sa France.

This year na represent kami ng 7 na branch, at lahat ng mga artricinal branch ang gumagawa nito mula sa mga maliliit na communities na kailangan tulong at trabaho at mga indigenous tribes natin na kailangan ng suporta ng kanilang mga pamilya” ani Michealle Torres-Descolonges – Agence Le Bon Mot Paris.

Tatlong araw ang itinagal ng magkahwalay na exhibit at walang patid ang pagdagsa ng mga dayuhan at mga french nationals upang matunghayan ang iba’t ibang mga disenyo ng mga manlilikha lalo na ang mga kaiibang desenyo ng ating mga kababayan.

 

Chet de Castro Valencia

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Battle of the Sponsors”, kung saan ang mga sponsors ang bida!

Schengen blacklist, maaari bang matanggal?