Auditorium Santa Apollonia, Firenze. Bandang alas dos ng hapon noong ika-29 ng Abril ng ipalabas ang unang screening ng pelikulang Broken Hallelujahsa direksyon ni Roland Sanchez na sinundan naman agad ng second screening bandang alas singko. Isa ito sa mga pelikulang tampok sa natapos na Filmfestival dito sa Italya, ang European Philippine International Film Festivalo EPIFFna idinaos sa Firenze.
Sa pangunguna ng Confed Tuscany(CFCT) sa pamumuno ni Pres. Divina CapaladatVice Pres. Amy Bayonganat sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate in Florence, Regione Toscana, OFW Watch Tuscanyat ng iba pang mga asosasyon ay naipalabas ang pelikula na tumanggap naman ng positibong tugon mula sa mga kababayang manonood sa Firenze at sa mga karatig na lugar.
Ang “Broken Hallelujah”ay isang makabuluhang pelikula na dapat panoorin sapagkat ito ay tumatalakay sa iba’t-ibang “real burning social issues”sa ating lipunan na kahit alam ng lahat na tunay na nangyayari ay pilit iniiwasang harapin dahil na rin sa iba’t ibang dahilan. Nariyan ang takot na masangkot at kawalang kapangyarihan laban sa salot sa lipunang ito na wari bang laging may banta sa buhay ng sinumang magtangkang makialam.
Maraming puso ang naantig at mga matang napaluha ang pelikula. Iba’t ibang reaksyon ang makikita sa mukha ng mga nakapanood.
Ayon sa iba, maganda ang takbo ng pelikula at hindi tulad ng iba na karaniwan ng napapanood sapagkat hindi ito ang uri ng palabas na tungkol sa mga klasikong kwento ng pag-ibig o komedya na nakasanayan ng publikong pilipino. Sa paglalarawan pa ng ilan sinabi nila na ang nasabing pelikula ay mabigat sa dibdib dahil tumatalakay sa isang realidad na hindi maikakaila ng ating mga mata. Ang karamihan ay sinisisi ang mga sindikato na matagal na panahon ng peste sa ating lipunan. Mayroon din namang nakatuon ang pansin sa kahirapan ng buhay sa ating bansa, dahilan upang ang iba ay makipagsapalaran na hindi na iniisip ang kahahantungan ng kanilang mga hakbang sa buhay.
Ang Broken Hallelujah ay nagkamit na ng ilang mga parangal. Ang Filmmaker of the Year Gold Award sa Filmmaker of the Year International Film Festival sa Bali, Indonesia, Best Produced Screenplay, Best Film, Best Actor, at Best Actress sa World Premiere Film Awards 2017 sa Canada, Best Film sa UK Monthly Festival 2017, at Special Jury Prize Winner sa EPIFF Florence 2018 ay ilan lamang sa mga nakuha ng pelikula, patunay lamang na ito ay pelikulang de kalibre.
Lubos ang pasasalamat ng Confederation sa mga tumulong sa ikakatagumpay ng proyektong ito para na rin makalakap ng pondo na maibabahagi sa “Fathers of the Victims Foundation”sa Pilipinas sa kanilang education and livelihood program.
Sa pakikipagugnayan ni DirekRoland Sanchezkay Pabs Alvarez, ang “Broken Hallelujah”ay inaasahang mapapanood din sa iba’t ibang bahagi ng italya.
Ang pelikulang ito ay isa lamang instrumento upang lalong mabuksan ang mga mata ng lahat sa harap ng isang epidemiya na kumakalat sa ating bansa at isang malaki at makatotohanang salot sa lipunan na ginagalawan nating lahat.
Quintin Kentz Cavite Jr