Isa na namang pilipina ang inaresto kamakailan sa Schio, isang comune sa Probinsya ng Vicenza dahil sa pagkakadawit sa iligal na “5-6″ na sistema ng pagpapautang ng pera.
Iginiit ng Pilipina sa mga awtoridad na siya ay nagsilbi lamang natulay sa isang Bangladesh national na kasama niyang naaresto nanagpapautang kapalit ng mga pasaporte at employment contractbilang collateral.
Sa pahayag ng sangkot na pilipina siya raw ay isa lamanggalamay, tao ng bengalese na siyang pinaka-mastermind, angtaga-pondo ng naturang 5-6. Ang kaniyang gawain ay angmaghanap ng mga gustong mangutang at irefer ang mga ito sa bengalese.
Ang kalimitang interes ay 10 porsyento kada buwan at marami sa mga pinahiram ng pera ang nalubog sa utang at hindi na natubosang pasaporte at employment contract.
Sa utos ng Sostituto Procuratore della Repubblica na si Dott.saClaudia Brunino sa Tribunale di Vicenza, ang mga elemento ngFiamme Gialle o mas kilala bilang Guardia di Finanza aynagsagawa ng operasyon na tinawag na “Pecunia”. Pagkatapos ngilang araw na pagiimbestiga at pagmamanman, kanilang natuntonang tirahan ng mga akusado at agad na inaresto ang mga ito.
Ang sangkot na pinay ay nagtatrabaho bilang isang caregiver o badante ngunit ayon sa mga alagad ng GdF, ang trabahong ito ayginawa lamang na “front” o copertura. Ang kanyang amo aywalang alam sa ginagawa ng kanyang badante.
Sa isinagawang search operations sa bahay ng mga sangkot aynatagpuan ng mga pulis sa mga bulsa ng bengalese ang
cash na umaabot sa €11,000 na nakatupi at hindi nakalagay sa sobre, mga mamahaling alahas at brilyante na umaabot sa 250 gramo. Higit sa lahat ay ang kanilang “masterlist” ng mga perangpinautang at ang kaukulang interes na kailangang dapat singilin.
Sa isinagawang pagiimbestiga ay napag-alaman na maraming mgaimigrante na residente sa probinsya ng Vicenza at Padova ang maymalaking pagkakautang sa mga ito at ang karamihan sa kanila aynainterview na at nakunan ng pahayag kaugnay sa kasong 5-6.
Samantala, sa tirahan ng arestadong pilipina ay natagpuan angilang mga passports at iba pang mga importanteng dokumento nanagsilbing collateral ng mga nangutang. Ayon sa mganapagtanungan ng mga miyembro ng Guardia di Finanza, ang mgamay utang ay binantaang isusumbong sa kanilang mga asawa atibubunyag ang pagkakautang lalo na kng ang mga ito ay asawa ngmga italyano.
Matagal ng minamatyagan ang mga komunidad ng mga pilipinosa bansa dahil na rin sa mas dumarami pang reklamo ng ating mgakababayan laban sa epidemya ng 5-6 sa loob mismo ng mgakomunidad na kanilang ginagalawan.
Quintin Kentz Cavite Jr.