in

Regularization: sa Roma may 13,000 may permesso di soggiorno na!

Tatapusin namin ang unang appointment bago magtag-init. Bagong orari sa Sportello Unico

Roma – May tinatayang labintatlong libong colf at badanti na ang nakakuha na ng permesso di soggiorno at matiwasay na ang kalooban ng mga pamilya na ang kanilang kasama sa bahay ay legal nang naninirahan sa bansa habang nagtatrabaho sa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ito ang pansamantalang datus ng regularization sa Roma na ibinigay ng Sportello Unico per l’Immigrazione sa Prefettura noong buwan ng Mayo. Noong nakaraang Setyembre, umabot sa 32,000 application for regularization ang isinumite sa lahat ng mga probinsya at hanggang sa ngayon, halos 23,000 na ang naisagawang appointment na umano’y tatapusin hanggang ika-21 ng Hunyo.

Hanggang kailan ito matatapos? Ito ang tanong ng marami. “Bago magtag-init tatapusin namin ang naunang appointment”, pahayag ng pamunuan ng Prefettura. Kabilang na umano dito ang 2000 na hindi sumipot sa araw ng appointment at may kulang na dokumentong  dapat idagdag tulad ng housing suitability (idoneità alloggiativi), income declaration o medical certificate para sa mga disable employer.

Samanatala, halos 1,500 naman ang binigyan ng bagong appointment upang iwasto ang maling personal data na ipinasok noong mag-aplay. Wala pang alinlangan ang Sportello Unico sa isinumiteng aplikasyon subalit kung mapanutayan na ang request ay may katiwalian na lumalabag sa batas, ang employer at worker ay maaaring magkaroon ng malubhang problema.  

Upang malaman ang sitwasyon ng inyong application, pwedeng alamin ito sa website na www.prefettura.it/roma at i-insert ang application code at birth of date ng employer. Tuwing Martes at Huwebes mula 10:00 am hanggang 1:00 pm ay pwedeng magtanong ng personal sa Sportello Unico sa Via Ostiense 131/L. (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permesso a punti: Ang kasunduan sa integrasyon

Regularization: sa Roma may 13,000 may permesso di soggiorno na!