Buwanang pagtanggap ng TFR sa busta paga, hanggang Hunyo na lang!

Ang buwanang pagtanggap ng trattamento fine rapporto tfr o separation pay (sa mga tumatanggap nito ng ‘spalmato mensilmente’) ay matitigil na simula Hunyo ngayong taon.

Sa mga tumatanggap ng tfr o separation pay ng buwanan ay patuloy na matatanggap ito sa kanilang mga busta paga o pay envelope hanggang sa Hunyo 2018 na lamang. Pagkatapos ng nasabing buwan, ang kabuuang halaga nito mula sa busta paga ay mapupunta ng direkta sa pension plan.

Layunin ng pagbabagong ito ang maging mas madali ang pagtanggap ng separation pay.

Sa katunayan, ayon sa bagong patakaran, nasasaad na ang pagtanggap ng tfr ay magaganap lamang sa pagtatapos ng hiring o rapporto di lavoro.

Ito ay inaasahang makakabuti sa mga manggagawa dahil ito ay matatanggap ng buo kumpara sa unti-unting pagtanggap nito kada buwan. Bukod sa nabanggit na bentahe, ang tfr sa pension plan ay hindi sasailalim sa anumang ordinary taxation.

Matatandaang ang paglilipat ng separation pay sa pension plan ay kasalukuyang ng ipinatutupad bilang opsyon kung pipiliin ng mangagawa ang pension plan sa halip na busta paga. Ito ay mananatili bilang isang opsyon hanggang Hunyo 2018 na lamang.

Gayunpaman, ipinapayo na kumonsulta sa mga job sonsultant o commercialista upang humingi ng payo at karagdagang impormasyon.