Mataas ang presyo ng seripikong kinakailangan sa pag-aaplay ng family reunification sa mga Munispyo na pinamumunuan ng Lega Nord. Ito ay sa kabila ng hatol na rasismo.
Hunyo 26, 2015 – Magbabayad ka ba ng 400 euros para sa isang pirasong papel kung saan nasasaad kung ilang katao ang maaaring manirahan sa bahay na iyong tinutuluyan? Sa kasamaang palad, ito ang karaniwang nangyayari sa mga dayuhan sa ilang Munisipyo na pinamamahalaan ng Lega Nord.
Ang pinag-uusapang seripiko ay ang sertipiko ng angkop na tirahan o certificato di idoneità alloggiativa. Ito ay kinakailangan, halimbawa, sa pag-petisyon sa Italya ng asawa o anak sa pamamagitan ng family reunification o ricongiungimento familiare o sa pag-aaplay ng EC long term residence permit o carta di soggiorno makalipas ang limang (5) taong regular na paninirahan sa Italya. Sa ilang Munisipyo ay hindi makatwirang hinihingi rin sa pagpapatala o iscrizione anagrafica.
Sa katunayan, sa buong bansa ay maaaring magkahalaga hanggang 50 euros lamang. Ito ay para sa gastusin ng tanggapang mag-iisyu ng nasabing dokumento o “diritti di segreteria”, ngunit sa simula ng taong 2014 ay pinalitan ng alkalde ang presyo nito sa Bolgare (BG) at ginawang 500 euros. “Hindi naming ino-obligahan ang sinuman na manatili dito sa amin”, katwiran ng alkalde, ngunit ilang buwan ang nakalipas ay tinanggal ng hukuman ng Bergamo dahil ito ay isang deskriminasyon. Dahil dito ang Munsipyo ay napilitang ibalik ang labi na halagang ibinayad para sa dokumento.
Sa kabila ng mga pangyayaring iyon, ang hindi magandang halimbawa sa Bolgare ay nagsilbing inspirasyon naman sa ilang Munisipyong pinamumunuan ng mga taga Lega Nord. Sa katunayan, sa pamamagitan ng isang deliberasyon ay itinaas sa nakakalulang presyo ang halaga ng dokumento sa mga lugar tulad ng Bergamo at Brescia tulad ng sumusunod: 160 euros sa Albino, 425 euros sa Pontoglio, 220 euros sa Seriate at 325 euros sa Telgate.
Ang mga pangyayari ay nakarating nitong Abril sa Parliyamento. Ang mga deputies ng SEL na sina Celeste Costantino at Franco Bordo ay naglahad ng isang interrogation, upang hilinging kumilos ang gobyerno laban dito ngunit hanggang sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin ng kasagutan. Samantala, noong June 10 naman ay isang deliberasyon ang inaprubahan kung saan hinihiling sa gobyerno ang pagtatalaga o ng maximum amount o halaga sa paghingi ng certificato di idoneità alloggiativa.
Kaugnay nito ay kumilos din ang Associazione per gli Studi Giuridici sull’Immigrazione, na nagtagumpay na sa pagpapatanggal ng super tax sa Bolgare. Ang ASGI ay sumulat din sa ilang leader ng Lega Nord at hiniling na i-atras o i-suspinde ang delibesrayon habang hinihintay ang desisyon ng gobyerno. Ngunit ang paanyaya ay nananatiling walang kasagutan at sa Albino, Pontoglio, Seriate at Telgate ang pagiging isang imigrante ay nangangahulugang katumbas ng isang malaking halaga.