Ang mga employer ay maaari nang isumite ang aplikasyon para makarating at ma-empleyo sa Italya ang 13,000 non-EU seasonal workers simula May 8, 2015. Gagawin ang lahat online. Narito ang isang ‘gabay’.
Rome – Mayo 11, 2015 – Green light para sa pagpasok sa Italya ng 13,000 non-EU seasonal workers para ma-empleyo sa sektor ng agrikultura at turismo. Simula alas 8 ng umaga noong Mayo 8 hanggang hatinggabi ng Disyembre 2015. Ang mga employer ay maaari nang magsumite ng mga aplikasyon sa trabaho.
Ayon sa influx decree o decreto flussi na inilathala sa Officiale Gazette kamakailan, Ang mga manggagawang maaaring makarating sa Italya ay buhat: Albania, Algeria, Bosnia-Herzegovina, South Korea, Egypt, ex Yugoslav Republic of Macedonia, Pilipinas, Gambia, Ghana, Japan, India, Kosovo, Morocco, Mauritius, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine at Tunisia. Samantala, maaari ring makarating ang mga seasonal workers na nasa Italya na sa mga nakaraang taon nang hindi isasaalang-alang ang kanilang nasyunalidad.
Para sa 1500 seasonal workers na nasa Italya na ng hindi bababà sa dalawang magkasunod na taon, ay may posibilidad na mabigyan ng multi-entry seasonal working visa (pluriennale). Ito ay magpapahintulot sa kanila, sa mga susunod na taon, ang makabalik muli sa Italya kung inakailangan, nang hindi maghihintay sa paglalatahla sa decreto flussi. Sa isang joint circular ng Ministries of Interior at labor ay matatagpuana ang mga karagdagang impormasyon.
Ang mga aplikasyon ay isusumite online, sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/. Ang mga employer ay maaari ring lumapit sa mga asosasyon (di categoria) upang magpatulong, o ang gawin ito gamit ang sariling computer. Sa anumang kaso, sundan ang isang ‘gabay’ na magbibigay ng bawat hakbang sa migreat.it/
Kung nais ng higit na paglilinaw ukol sa 'seasonal working visa’, bisitahin ang www.migreat.com/it para sa karagdagang impormasyon.