in

Decreto flussi para sa mga seasonal workers, hinihintay pa rin!

Naaantala ang ipinangakong 11,000 entries ng gobyerno. Caponi (Confagricoltura): “Habang naghihintay ay tumatanggap na kami ng mga aplikasyon”

 

 

 


Roma – Abril 8, 2015 – Spring na ngunit ang decreto flussi per i lavoratori stagionali ay wala pa rin. Habang patuloy na nahihinog ang mga prutas at gulay, ang mga aani nito ay libu-libong milya pa rin ang distansya mula sa Italya.

Ang pinaka hihintay na dekreto na magpapahintulot sa pagpasok ng mga seasonal workers sa Italya at ang go signal ng mga aplikasyon sa hiring ay handang handa na. Inaasahan ang pagpasok ng 11,000 seasonal workers ngayong 2015, na mas mababa kumpara noong nakaraang taon na 15,000 at noong 2010 naman ay 18,000. At habang hindi ito nalalathala sa Official Gazette, ang mga may bukiring nangangailangan ng manggagawa ay walang magagawa kundi ang maghintay lamang.

Ang dekreto ay huli na kumpara sa inaasahan ng marami. Ngunit ang follow-up at pressure ngayong taon ay mahina kumpara noong mga nakakaraang taon”, ayon kay Roberto Caponi, ang pinuno ng unyon ng mga manggagawa ng Confragricoltura sa stranieriinitalia.it.

"Marami nang mga seasonal workers sa bukirin. Karamihan ay mga Europeo na hindi nangangailangan ng anumang dekreto. Matatagpuan rin ang mga non-EU nationals na walang trabaho at mga Italians na dahil sa krisis, ay bumalik sa agrikultura at ito ay nagsilbing pansamantalang solusyon sa kanilang pangangailangan", paliwanag ni Caponi. At dahil dito, sa taong ito ang Ministry of Labor ay naging ‘kuripot’ sa pagtatalaga ng ‘quota’.

Samantala, ang mga asosasyon (di categorie) ay tumatanggap na ng mga aplikasyon sa kanilang mga tanggapan na kanilang isusumite ang mga ito matapos ilathala ang dekreto. “Ito ay upang hindi na magsayang ng karagdagang panahon pa”, dagdag pa ni Caponi.

Matatandaang iminungkahi ng mga asosasyon ang pagiging ‘channel’ o ang kanilang pagtanggap ng mga aplikasyon upang ang mga ito ay kanila na ring masuri at maiwasan ang mga pekeng aplikasyon. Sa katunayan, sa likod ng ilang aplikasyon ay walang kumpanyang nais na mag-empleyo ng isang seasonal worker, ngunit ang pagtatangkang papuntahin lamang sa Italya o ang gawing regular ang mga nasa Italya na, kapalit ang isang kabayaran.

Ngunit lahat nga ba ng mga application na isinumite sa nakaraang taon sa pamamagitan ng Confagricoltura ay natuloy sa pag-eempleyo? “Sa ilang kaso ay hindi – pag-amin ni Caponi – ngunit ito ay iilan lamang at ito ay dahil ang nulla osta sa pagpasok sa Italya ay huli nang dumating at ang kumpanyang nangangailangan noon ay hindi na kailangan ng seasonal worker”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OVERSEAS VOTING: Mga bagong rehistrado sa Italya, umabot na sa 8,000

Carta di soggiorno na inisyu sa ibang bansa sa Europa, maaaring gamitin sa trabaho sa Italya?