Karapatan ng manggagawang italyano at dayuhan ang makakuha ng allowance. Ang talahanayan ay makikita online
Roma – Ang halaga ng income para sa assegno familiare ay nagbago na at ito’y inilathala ng Inps na ipatutupad mula ika-isa ng Hulyo 2010 hanggang Hunyo 2011.
Ang allowance para sa pamilya ay karapatan ng mga manggagawa, pensyunado na sudordinate employee na may kaukulang kondisyon, mga parasubordinate workers (tulad ng collaborators at freelance professionals na rehistrado sa gestione separata ng Inps) kung ang total income ng buong pamilya ay mababa sa kaukulang halaga.
Ito ay karampatang tulong pinansyal para sa pamilya ng mga manggagawang italyano at dayuhan.
Ang application ay kailangang isumite sa employer kung ang pinaglilingkuran ay kompanya at kung ang trabaho naman ay sa bahay o magsasaka, ang request at kailangang isagawa sa tanggapan ng Inps. Ang allowance ay pwedeng idagdag sa buwanang sweldo na nakatala sa pay slip (busta paga) ng company workers samantala ang mga domestic workers at farmers ay direktang binabayaran ng Inps.
Ang talahanayan ng kaukulang income at halaga ng allowance ay makikita online sa website na:
http://www.stranieriinitalia.it/news/tabella27mag2010.xls